Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 13, 2010

Salamat Philippine Blog Awards... Sana Next Time Manalo Na :)

Sa ikalawang pagkakataon ay naging "finalist" ang "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?" sa Philippine Blog Awards. Isa itong patunay na marami sa mga Filipino ang hindi pa pagod at syempre may saysay ang ating ginagawang pagblog ng mga kuwento, istorya at iba pang pangyayari sa bansang Perlas ng Silangan... ang Pilipinas.

Kahapon hindi naman talaga ako dapat pupunta sa Philippine Blog Awards dahil bukod sa hindi ko naman kayang abutin ang kasikatan nina Chicksilog at Ria Jose sa Blogger's Choice ay wala rin naman sa nakapost na listahan ng finalist ang blog na ito at yung isa pa naming blog. Ayan ha inadvertise ko pa kayo dito ha... Kumain na nga lang kami nina Mei at ng anak ko na si John Dwight sa National Sports Grill.

Pagkatapos nun nakipagkita kami kay Jay-L Santiago ng Blog-PH para kunin yung napanalunan ni Mei. Dahil papunta siya sa PBA at andun na rin sina Mei Velas at JR Suarin ay pumunta na rin kami.

Pagdating namin dun ay nagregister at kumain kami ulit. Marasarap yung Carbonara at yung Pizza dun pero medyo walang lasa yung cheese sticks at yung parang shanghai. Namigay din ng post it notes ang Nokia. Tapos pumasok na kami at umupo sa bandang likuran.


Maraya yung event lalo pa at si Gabe Mercado ang host as in super laugh trip talaga. Biruin mo nasa stage siya tapos naka pangtulog then after than naka inmate attire naman... lakas talaga ng trip.

Tapos ini announce na ang mga finalists at mga nanalo at dun ko nakita na kasama pala tayo sa PBA 2010 finalist. Natutuwa rin ako kasi nanalo si Vincent Haoson ng Back2Gaming bilang Best Gaming Blog at Best Hobby Blog. Astig nila nuh 2 awards agad... sana tayo manalo rin.

Anyway si Chicksilog nanalo rin sa Blogger's Choice tapos pag akyat sa stage tinama nya yung prnunciation nung presenter... kaya ayun naging topic din siya ni Gabe Mercado at nagpapa correct din sa kanya. Siguro sa sobrang kaba ni Chicksilog di nya naisip na mali pala yun... sabi rin niya sa blog niya me sakit pala siya at inaatake ng asthma. Pagaling ka Miss Chicksilog pag may sakit kasi minsan nagiging presko tayo ... kahit ako madalas ganun.

Anyway, pagkatapos ng awarding namigay din ng 2 Nokia X3 na phone at 4 tickets ng Cebu Pacific papuntang Beijing, China at Kota Kinabalu (di ko alam spelling nyan kaya pasensya na saka di namana ako nanalo... ehehehehe). Sayang yung mga natawag pero wala dun kasi di nila nakuha yung prize.

Yan lang po at umuwi na kami pagkatapos at syempre dahil kasama namin ang aking better half na si Ms. Mei "Taxi" Santiago nagtaxi kami mula Makati hanggang Cubao... pag-uwi sa bahay nagsulat ng konti... nmag Facebook at natulog.

Muli po salamat sa mga mambabasa ng "Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?"... namiss ko talaga kayo.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: