Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, December 15, 2010

Visconde Massacre, Si Hubert Webb at si Jessica Alfaro

Ngayong araw ay napawalang sala sina Hubert Webb at ang iba pa niyang mga kasamahan sa Viconde Massacre. Sa kanilang pagsasaya ay siya namang pagbagsak ng mundo ni Lauro Visconde, ang ama ng mag-iinang Viscone na brutal na pinatay. Di kukulangin sa tig sisiyam na saksak ang tinanggap ng bawat miyembro ng pamilya at si Carmela nga ay ginahasa pa. Mali nga ba ang hatol kina Hubert Webb o ito ay impluwensiya ng pera at koneksyon?

Ang isa sa mga akusado ay boyfriend ng star witness na si Jessica Alfaro at si Hubert Webb naman ay tulad nga ng sabi ni Direcor Epimaco Velasco drug adict na tulad din ni Jessica Alfaro. Kung may nagkukunekta kina Webb at Alfaro iyon ay ang boyfriend ni Alfaro at ang droga.

Bakit nga ba tila walang reaksyon si Hubert Webb at ang kanyang mga kasama ng masentensyahan sila? Bakit nga ba sinira n Gerardo Biong ang mga ebidensya? Sino ang nag-utos sa kanya? Ang karpintero ba o ang tatlong akyat bahay gang na sinasabi ni dating NBI Director Velasco?

Sa pag abswelto kina Webb ay muling sumariwa kay Lauro Visconde ang mga panyayari at lumutang ang napakalaking tanong SINO ANG PUMATAY SA MGA VISCONDE? Tila rin sinasabi na pumalpak ang NBI at gumawa lamang ng istorya para matuldukan nila ang Visconde Massacre.


 Pagmasdan ninyo si Hubert Webb? Ano ang nakikita ninyo sa kanyang reaksyon at kilos? Tila isa siyang aong ala sa sarili at isang taong dating lulong sa droga. Kapag lulong ka sa droga ay magagawa mo ang lahat... maging ang pinakakarumaldumal na krimen. Kung sinungaling si Alfaro bakit sinegundahan ng mismong kasamahan sa bahay ng mga Visconde ang mga testimonya nito.

Sa araw na ito naniniwala ako na ninakawan ng hustisya ang mga Visconde. Mas maganda sana na hinayaan na lamang na manatiling nakakulong ang mga akusado. Sino pa ba ang tunay na may kasalanan? Makukuha pa ba ni Lauro Visconde ang katarungan?


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

Greg Santos said...

Sir,
Tama ang sinabi na umiral ang pera at koneksiyon sa kasong visconde massacre. Kawawa ang mga biktima. Kaya, boluk talaga ang systema ng
gobyerno at hutisya sa Pinas. Walang pagbabago. Kung ako kay visconde
huwag na siyang mag-ape-apela pa. Iponin na lang ang mga donasyon
at umopa ng mga taga-eskwater para hagisan ng mga dinamita yong mga
nakalayang mga addict na salarin pati ang mga pamilya at mga SC justices na nag pawalangsala sa mga salarin para patas lang. Kung ma-asunto asunto pa wala ring hustisya ka na makuha sa bulok na gobyerno.

G. F. Santos

Alfonso_tengcos said...

Shen, papaano mareresolba? Lalong gugulo pag walang hustisya at hindi pantay sa mahirap at mayaman. Palagay ko tama si Greg.
More power to you Greg. Sana lahat ng Pinoy katulad mo. Bless u.

wilson said...

mga walang alam! panu mo masasabi na binayaran at koneksyon kaya nakalaya sila webb at mga kasama niya.. aber! anu basehan mo? kung ikaw ba makukulong ng labing limang taon msasabi mo ba na bayad ang paglaya nila? common sense diba.. dapat nung una palang di na sila nakulong.. pagisipan mabuti bago mag comment.. kung ikaw malakas ang koneksyon mo bakit di pa sila nakalaya agad at hindi aabot ng 15years.. mga bobo.. edi dapat nakalaya na sila nung una palang diba.. may mga pangyayari tayo na hindi maintindihan at may mga taong hindi natin alam kung sino ang gumawa nuon.. pero naniniwala ako na inosente sila.. basahin muna ang katotohanan ng kwento bago tayo mag react.. bakit sasabihin ni lauro na " sana makulong ang totoong gumawa nuon" bakit sasabihin ng grupo nila webb na " panu kami magiging masaya kung makukulong kami ng hindi naman namin ginawa "

mabuti pa na magharap harap lahat ng testigo tulad ni jessica alfaro.. bakit siya nagtatago at hindi humarap sa kaso.. diba? kung totoo ang sinasabi niya..

kaya mas mabuting alamin ang katotohanan kaysa nagsasalita ng hindi naman alam kung anu ang sinasabi niya.. c:

Shen Brood said...

Bakit alam mo rin ba ang kwento? Ito ay base sa mga nakita at napag-alaman ko rin bilang isang manunulat. Iyan ang aking opinyon.