Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 3, 2011

Ano ang mali sa Lupang Hinirang ng GMA 7?


Tila marami ang nagagandahan sa Lupang Hinirang na all-star cast ng GMA 7 at kabilang na ako doon at ang marami sa atin. Pero nang mapanuod ko itong mabuti at makita ng buo tila mayroon akong napansin na isang malaking pagkakamali. Isa itong pagkakamali maging ng ating kasaysayan at ng marami sa ating naging mga lider ng ating bansa.

Bago ko sabihin kung ano ang pagkakamaling ito ay nais ko munang imbitahan ka na panuorin ang video nito sa ibaba at pagkatapos ay ikaw na mismo ang sumagot sa mga susunod na tanong.



Narito na ang mga tanong ko ukol sa GMA 7 Lupang Hinirang na pinapalabas sa lahat ng SM Cinema at araw-araw ay napapanuod sa GMA 7, QTV at iba pang channel na may kaugnayan sa Kapuso Network.

1.  May bahagi ba sa video na ito ang mga Muslim

2.  Ipinakita rin ba ang bahagi ng Mindanao o mga kapatid nating Muslim sa pag-ukit ng kasaysayan

3.  Bayolente ba masyado ang video?

4.  Ginawa ba ito upang magbahagi ng kasaysayan o para lamang sa isang cinematic at pagpapa impress na dahilan?

5.  Kung ikaw ang tatanungin, ano ang iyong masasabi at suhestyon ukol sa video na ito?

Ayaw kong magkomento sapagka't alam ko na makikita na ninyo ang kasagutan sa aking tanong na, "Ano ang mali sa Lupang Hinirang ng GMA 7?"


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: