Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, February 25, 2011

EDSA 25 Taon Pagkalipas: Ano ang Nagbago? (25 years after the EDSA revolution what changed?)


Ngayon ang ika-25 taong anibersaryo ng EDSA 1986 People Power Revolution. Sa nakaraang 25 taon, ano na nga ba ang nagbago? Nakakahiyang ako ang magsabi sapagka't baka naman sabihin ninyo ay hindi ito totoo o kaya sobrang sama ko kaya siguro kayo na ang sumagot sa mga tanong na aking ibabato.


Habang nagcecelebrate at may mga kung anu-anong pakulo bilang paggunita sa EDSA 25, siguro mas marapat na pagnilayan at muling bigyan ng pagtingin ang nakaraang 25 taon ng ating bansa. Narito po ang aking mga katanungan na magbibigay liwanag kung may naging saysay nga ba ang EDSA o wala.

  • Mas maunlad ba ang Pilipinas ngayon kaysa noon?
  • Nawala na ba o nabawasan ang katiwalian sa pamahalaan?
  • Mas malaya na ba tayo ngayon?
  • Wala na bang pinapatay o biktima ng paglabag sa karapatang pantao?
  • Narating ba natin ang mga panago noong EDSA 1986?
  • Nabawasan ba ang mga naghihirap na Filipino?
  • Naging "matured" ba ang sistemang pulitikal?
  • Nabawasan ba ang karahasan?
  • Mas naging makabuluhan ba ang ating sistemang pulitikal?
  • Mas maganda na ba ang ating edukasyon ngayon?
Kung tutuusin napakarami pang pwedeng itanong pero siguro sapat na yan para ating matimbang kung may saysay nga ba ang mga nangyari o wala? Kung may saysay pero walang nangyari saan nga ba tayo nagkulang.

Habang ating iniisip ang mga iyan narito ang isang kanta mula sa Asin na pinamagatang, "Pagbabago"...




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: