Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, February 9, 2011

Former Defense Secretary Angelo Reyes: Pagkamatay, Misteryo at Pagkabayani


Pinatay di umano ni dating Defense Secretary Angelo Reyes ang kanyang sarili sa harap ng puntod ng mga magulang niya. Ayon sa mga saksi ito ay ginawa ni Reyes matapos "diumano" may matanggap na tawag mula sa kanyang cellphone. Pagkatapos ng nasabing tawag ay naging balisa si Reyes na humantong sa kanyang di umano'y pagpapakamatay. Pagkatapos noon, naging headline at konklusyon na nagpakamatay nga siya at ni isang tanong sa kung sino ang kanyang huling nakausap sa telepono ay hindi natanong.

Si Reyes ay inakusahang nagnakaw ng milyon-milyon sa kaban ng AFP at sa kaban ng bayan. Noong si Erap ang Pangulo napatalsik si Erap pero ngayon dahil namatay si Angie Reyes ibinaba sa kalahati ang watawat ng Pilipinas, bibigyan siya ng full military honors at ililibing sa libingan ng mga bayani. Kung si Erap kaya ang nagpakamatay siguro naging bayani na si Erap. Palagay ninyo?

Minisahan din ng paring Katoliko si Angelo Reyes kahit na siya ay nagpakamatay. Isa itong gawain na hinding hindi gagawin ng mga pari at ng simbahan kung isang karaniwang tao lamang ang namatay. Patas na patas nga naman talaga.

Si Marcos kaya, kailan maililibing sa Libingan ng mga Bayani? Ay marami nga raw pala pinatay si Marcos at namatay siya sa sakit. Sana nga lang nagpakamatay na lang siya para bayani rin siya.

Nang mabalitaang nagpalamatay si Reyes, iminungkahi na itigil na ang hearing bilang pagluluksa sa kamatayan niya. Bakit ititigil? Hindi ba marami rin ang namatay sa guto at sundalong nalagay sa alanganin dahil sa mga katiwalian at pagnanakaw na ginawa ng grupo niya?

Dapat ko nga palang irespeto ang lamay at pamilya sa kanilang pagluluksa pero paano ko magagawa yun kung ang nakikita ko ay mga bagay na hindi naman tamang gawin? Nirerespeto ko ang pagkatao ni Secretary Reyes pero sana patuloy din sa ating ipaalam at bigyang linaw kung ano ang katotohanan ng mga isyu. Sana nga kamatayan ang ibigay sa mga taong nagnanakaw sa kaban ng bayan sapagka't dahil sa kanila patuloy na naghihirap ang marami sa ating mga kababayan.

Para sa ikalilinaw ng mga isyu at ikalilinis ng pangalan ni Secretary Reyes at ng militar dapat ituloy ang imbestigasyon at malaman ng taumbayan ang katotohanan. Hmmm... hindi kaya pinatahimik siya sapagka't ang dulo ng pagnanakaw at pinaka pasimuno ay isang maliit na babae? Sa palagay ninyo?

Condolence sa pamilya ng yumaong Secretary Angelo Reyes. Nawa ay makamtan ninyo ang tunay na kapayapaan at maibigay nyo sa taumbayan na pinaglingkuran ni Secretary Reyes ang katotohanan.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: