Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, February 6, 2011

Paalam sa Isang Kaibigan, Paalam Dan Diaz


Nakakalungkot isipin na ang isang tao na tinuring mo na kapamilya at matalik na kaibigan ay bigla na lang mawawala sayo. Ito ang nararamdaman ko nang malaman ko na sumakabilang buhay na si Dan Diaz. Sa edad na 24 taong gulang ay napakabanta para siya ay kunin ng Panginoon. Hindi pa handa ang kanyang asawa at mga anak sa pangyayaring ito. Pero gaya nga ng sabi nila ang lahat ng mga nangyayari dito sa mundo ay may dahilan. Bakit nga ba sa blog rin na ito ko sinusulat ang pamamaalam na ito?

Simple lamang ang dahilan kung bakit, si Dan ay isang tao na naghangad ng kabutihan para sa ating bansa. Ang kanyang inspirasyon ay nagsilbing apoy para sa iba upang managarap ng kabutihan para sa ating bayan. Simple lamang si Dan. Hindi siya mayaman at madalas ay kapos sa pera pero hindi iyon naging hadlang upang siya ay tumulong noon sa kampanya ni Nick Perlas.

Sa kampanya ay napakasipag ni Dan. KAHIT MINSAn ay napapagalitan at napapagsabihan hindi ninya ito inintindi bagkus ay naging mas masipag pa at mas dedicated sa kanyang mga ginagawa. Malawak ang kanyang isipan, magaling magsalita at marunong makipag kapwa tao.

Madalas na magkasama kami ni Dan kapag bumubili ng Gulp sa Mini-Stop sa may Timog. Ilang beses na rin kaming nagkainuman at nag-usap hingil sa mga bagay sa buhay. Kay Dan nasabi ko ang mga bagay na hindi ko naman karaniwang isinasangguni sa iba.


Nakakalungkot man pero dapat kong isipin na nasa mas mabuting kalagayan na ang aking kaibigan. Para sa pamilya niya sana ay tatagan ninyo ang inyong loob at patibayin ang isipan upang patuloy na mabuhay. Alam ko na hangad ni Dan na kayo ay maging masaya at wag malungkot sa kanyang pagkawala.

Dan nasaan a man gagawin namin ang aming makakaya upang matulungan ang mga naiwan mo sa buhay. Marahil ito rin ang nasa loob ng iyong mga kaibigan at ng mga taong nabigyan mo ng inspirasyon.


Narito ang kantang alay ko sa iyo kaibigan...



Paalam aking kaibigan! Paalam Dan Diaz!


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: