Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 3, 2011

Panahon na ng Kapayapaan (It is Time for Peace), di ba PeaceTech Ka? Peace Tayo...


Kabi-kabila ang kagulugan. May sumabog na bus sa EDSA, mag nagwewelga at bombahan sa Egypt, may mga suicide bombing sa Iraq, Afghanistan at Pakistan. Tila wala na ngang pakialam o pagpapahalaga ang ilan sa buhay ng kanilang kapwa tao.... subalit may pag-asa pa rin ang kapayapaan. Panahon na ng kapayapaan... isang kapayapaan na dapat simulan sa ating sarili... hindi ba ito rin naman ang gusto mo?

Nang makita ko ang mga kabataang kasama sa Classroom Video Conference at sa pinakahulong Mass Video Conference ng PeaceTech ay nagkaroon pa ako ng pag-asa. Nagkaroon ako ng pag-asa na magagaganap pa at mangyayari pa ang isang Bagong Pilipinas. Nakita ko ang paghahangad sa mga susunod na henerasyon ng isang bansang mapayapa at maganda. Nakita ko rin sa mga Cosplayers na kasama ko na higit pa sa Cosplay ay marami rin silang kakayahan at may paghahangad para sa kapayapaan.

Nakaktuwang isipin na sa loob ng apat na oras mahigit 5,000 katao ang nagkakita-kita at nagsama-sama. 2,000 mahigit rito ay mula sa Maynila at ang kalahati naman ay buhat sa Iligan City sa Mindanao. PInag-usapan ang isyu ng diskriminasyong Muslim at Kristiyano at pinag-usapan din kung papaano ito lalabanan.

Nakakaantig ang mga kwento nina Prof. Jamail Kamlian at Prof. Jane Aspirin. Nakakapagtaka nga lamang kung bakit kailangan pa nilang maranasan ang hindi mapagbilhan ng lupa at mamatay ang kaanak dahil lamang sa kanilang pagkakaiba ng relihiyon at maling pagtingin sa kanila.


Hindi lamang mga estudyante ang naging bahagi ng PeaceTech kundi pati ang UN Ambassador of Peace na si Baicon Macaraya at ang ABS-CBN news reporter na si Atom Araullo. Maging ang anak ni Sharon na si KC Concepcion ay naging kaisa rin para sa Kapayapaan.



Matagal ng isyu ang kapayapaan sa ating bansa.  Ang labanan sa Mindanao ay noon pang panahon ng Kastila at hanggang ngayon ay walang kalutasan dahil na rin sa mga gustong mangyaring ng magkabilang panig.  Ang labanan naman sa pagitan ng gobyerno at ng CPP-NPA-NDF ay mahigit na apat na dekada na ang tagal.  Magkakaroon pa kaya ng kapayapaan?

Ito siguro ang isa sa hangarin ng PeaceTech sa kanilang Mass Video Conference at sa paghahangad na mapasama sa curriculum ng Edukasyon ang Edukasyong Pangkapayapaan o Peace Education.

Ikaw ba naka attend ka na rin ba ng Mass Video Conference ng PeaceTech? Ano ang natutunan mo? Ano ang masasabi mo?

Kung hindi ka pa naman nakakapunta ay dapat mong abangan ang susunod na pagkakataon sa March 1, 2011. Tutukan mo ang www.peacetech.net para sa mga updates.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: