Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, February 24, 2011

Panalangin Para sa Bagong EDSA: Middle East at Africa

Libu-libo na ang namamatay sa Middle East at Africa lalo na sa bansang Libya. Tila ganun na lang kamura ang pagkitil ng buhay. Buti na nga lang dito sa Pilipinas ay kapayapaan pa rin ang umiiral at saluamat sa mga gawain at programang tulad ng Mass Video Conference ng PeaceTech na nagbibigay sa ating lahat ng pagkakataong makapag-usap at makapag-unawaan.

Narito po ang isang panalangin na sana ay ating ialay sa mga nasa gitna ng kaguluhan... na sana ay matauhan na ang kanilang lider at muling umiral ang kapayapaan.



Dakilang Maylikha
ni Gary Granada


Dakilang Maylikha
Sa kalinga’t pang-unawa
Mangyari ang iyong diwa
Sa langit at sa lupa

Bigyan mo ng sapat
Ang lahat sa araw-araw
Turuang magparaya
Gaya ng iyong gawa

Iadya n’yo kami
Sa pagmamataas
Upang maiwaksi
Ang lupit at dahas

At samahang lumikha
Ng pamayanang payapa
Sa kalikasan, kabuhayan
Kakanyaha’t paniniwala

Siya nawa, siya nawa
Siya nawa, siya nawa


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: