Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, February 1, 2011

Wag Gibain ang Alberto House sa Biñan! (Where Is Our Sense of History?)


Habang patuloy na ginagastusan ng mga dayuhan ang kanilang mga istrukturang pangkasaysayan ang mga Filipino naman ay patuloy itong sinisira, binebenta at hinahayaang mawasak. Nakakalungkot isipin na ang isang mahigit kumulang na 200 taon na bahay ng mga Alberto sa Biñan, Laguna ay ibinenta na at sinimulang wasakin dahil lamang sa kagustuhan ng iilan.  Ang mga Alberto ay sinasabing kapamilya ni Teodora Alonzo ang nanay ni Rizal.

Napanuod ko sa I-Witness ni Howie Severino ngayong gabi ang kasaysayan ng matandang bahay at ang mga sinasabing Lihim na Buhay ni Rizal. Totoo man ito o hindi ay hindi ko masyadong napagtuunan ng pansin sapagkat ang tangi kong naitatanong sa aking sarili ay bakit nagawa itong ibenta at ipag walang bahaka? Kahirapan ba o sadyang marami ang walang pakialam sa kasaysayan.

Ang kasaysayan ang nagtuturo sa atin ng isang mabigat na paala-ala ng mga taong nagbuwis ng buhay, mga pagkakamali na dapat ay huwag nang ulitin at mga kabayanihan na dapat ipagdiwang. Habang patuloy nating winawasak ang mga gusali at markang pangkasaysayan ay patuloy din nating winawasak ang ting pagkatao at katauhan bilang mga Filipino.

Noong June 2, 2010 ay napabalitang napahinto ang pagwasak dito, subalit mukhang ipinagpapatuloy na ang pagwasak at paglimot sa kasaysayan.

Dapat lang ba na basta gibain ang mga historical landmarks? Ano sa palagay nyo?


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: