Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 30, 2011

3 Pinoys dies in China's deathrow, my opinion

Binitay na nga ang tatlong OFW na napatunayang "drug mule" sa China. Ang "drug mule" ay mga tagapuslit ng droga at tagapamahagi nito. Maraming kababayan ang nanalangin at nanawagan na sana ay mailigtas sila sa kamatayan. Unang-una ay nakikiramay ako sa mga naulila ng tatlong binitay na kababayan natin. Nakikiisa ako sa kanila na sana ay habang buhay na lang na pagkabilanggo ang ipinataw sa kanila at hindi kamatayan, subalit iyon ang batas sa China at dapat natin itong igalang.

Sa kasong ito napatunayan na totoong nagkasala ang tatlo at hindi ba ito rin naman ay inamin nila at ng ilang kamag-anak nila dito sa Pilipinas. Nakakaawa? Opo, nakakaaa ang kanilang sinapit at sana naisip nila na pwedeng ganito ang mangyari sa kanila. Sana hindi nila ito ginawa alang-alang sa kanilang mga anak at mahal sa buhay. Pero dahil sa kahirapan wala silang choice kundi gawin ito. Wala silang choice KUNG GUSTO NILANG KUMITA NG MAS MALAKI... sapagkat may iba namang mas mararangal na trabaho kaysa pumayag silang maging "drug mule."

Paano po ba kapag nabaliktad ang sitwasyon at sa atin naman nagkasala ang mga Chinese. Tapos biglang pinalaya... ano ang mangyayari? Magwewelga ang mga tao at sasabihing hindi ginawa ng pamahalaan ang kanilang tungkulin. Sasabihin din na nagpadala tayo sa sulsol ng mga dayuhan. Hindi ba?


Ito ang ating dapat maintindihan. Nakakaawa sila pero ito ang kinahantungan ng isang kilos na ginawa nila at alam nilang may kaparusahan kung sakaling mahuhuli sila. ANg magagawa natin ay marahil tulungan ang kanilang mga naulila at sana tulungan ng pamahalaan sila.

Paa mapigilan ang mga ganitong pangyayari dapat na tutukan ng pamahalaan at ng pribadong sektor ang pagpapalawak ng oportunidad para sa hanapbuhay sa ating bansa. Dapat din na bantayan ng ating pamahalaan ang mga OFW at pigilan ang mga trabahong ganito.

Sa mga magulang na nasa ibang bansa, kung mahal ninyo ang inyong mga anak SANA PO AY HUWAG TAYONG PUMASOK SA MGA ILLEGAL NA TRABAHO. Ang mga anak at minamahal sa buhay natin ang kaawa-awa.

Tunay pong nakakalungkot subalit huwag nating sisihin ang pamahalaan at ang Tsina sapagka't ito po ang nararapat ayon sa batas. Walang ibang dapat sisihin kundi sila na rin.




Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Dan Gerald Gravela said...

Ginusto nilang kumita ng malaki kahit na illegal ang pinasukan nila. Kung nakalusot, swerte. Kaya lang minalas,e. Condolence na lang..