Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 16, 2011

POSITIVE CHANGE: Ang Pagbabago ng Marikina City


Tila mahirap kalimutan ang paglubog ng Marikina noong Bagyong Ondoy. Halos malubog ang buong Provident Village, masira ang mga sasakyan, bahay at malagay sa peligro ang buhay ng maraming tao. Sa kabila nito mabilis na nakabangon ang Marikina tulad na lang ng malaking pagbabago na ginawa ng Pamahalaang Panglungsod ng Marikina upang baguhin ang itsura ng Marikina River.

Dati ay puno ng water lily ang ilog na ito at delikado ang maglakad dito. May mga barong-barong at madalas ay bahain o kaya ay tapunan ito ng mga basura. Ito ang Marikina River mahigit na sampung taon na ang nakakaraan.


Sa pamamagitan ng magandang pamamahala at isang disiplinadong pagbabago ay nabigyang buhay ni Mayor Bayani "BF" Fernando ang Marikina River. Sumunod ang taumbayan at nakita ang kagandahang taglay ng adhikaing ito.

Ngayon isa ng masasabing magandang pasyalan at tanawin ang tabi ng Marikina River kasama na diyan ang nakaka enganyang Marikina River Banks Mall, SM City Marikina, LRT 2 at ang pasyalan sa tabing ilog.


May kulang nga lang na sana ay matupad na... sana ay magkaroon ng paraan ng sa gayon ay maiwasan ang muling paglubog ng Marikina.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: