Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 30, 2011

Si Willie Revillame, Si Jan-Jan, at ang Willing Willie March 12, 2011 Episode


Hindi po ako kasama sa fans club ni Willie Revillame at sa totoo lang isa ako sa mga bumatikos sa kanya sa maraming okasyon. Subalit, sa pinakahuling isyu na kinasasangkutan ni Willie Revillame at ng Willing Willie sa kanilang episode noong March 12, 2011 mukhang naiiba ako ng pananaw sa pagkakataong ito.

Napanuod ko ang buong episode at wala akong nakita ni isang "child abuse" issue na nangyari. Maliwanag sa episode na...
  • Hindi pinilit pumunta sa Willing Willie si Jan-Jan.
  • Hindi siya pinilit sumayaw ni Willie Revillame.
  • Umiyak siya dahil naantig siya ng batiin niya ang kanyang mga magulang.
  • Pinuri ni Willie Revillame ang bata dahil sa kanyang ginawa at hindi niya ito nilait.
Ang mas nakakabahala para sa akin ay ang gawing issue ang isang bagay na kagaya nito. Kung tutuusin hindi si Willie ang dapat kasuhan ng child abuse kundi ang mga taong nilalagyan ng malisya ang palabas. Dahil dito mararamdaman ni Jan-Jan sa kanyang isipan na may mali sa kanyang ginawa at maaari niyang ikahiya at sisihin ang kanyang sarili dahil dito.


Ginawa ni Jan-Jan ang pagsayaw dahil yun ang kanyang talento. Walang nakakahiya doon. Masama ba na yun ang kanyang gawin? Sa mga ganitong bagay dapat nating tingnan ng may mas malawak na pananaw ang mga bagay.

Higit sa insidenteng ito ay mas marami pang kaso ng child abuse sa lansangan. Hindi ba napakaraming mga magulang na ibinubulid ang kanilang mga anak sa prostitusyon, mga namamalimos na kasama ang kanilang mga batang anak, mga magulang na pinagtratrabaho ang mga anak... at marami pang iba.

Bakit si Willie Revillame? Dahil siya ba ang sikat? Dahil mas mapapag-usapan ba ang isyu dahil sa kanya?

Isipin natin kung tama ba ang ginagawa natin para kay Jan-Jan. Sa palagay ba ninyo sa tingin ni Jan-Jan at ng pamilya niya ay naabuso sila ni Willie Revillame o baka naman mas nararamdaman nilang naabuso sila dahil sa pinalalaking isyu na ito.

Pag-isipan po natin.

Narito po ang controversial na Willing Willie March 12, 2011 episode.





Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Dan Gerald Gravela said...

Kung sino yung mga nagsabing may child abuse na naganap sa episode na ito, sigurado akong napakadumi ng isip nila. Mga nagmamalinis at nagmamarunong. Kelan ba naging masama sa bata ang pagsasayaw ng ganyan? Tsaka para dun sa mga taong sumasawsaw sa issue na ito na hindi naman talaga napanood ng buo ang episode na'to, para sa akin ay hindi kayo nakakatulong sa ating lipunan. Nauuna kasi yung judgment kaysa sa pag-iinvestigate nyo,e. I'm not a fan of Willie Revillame pero I really think he's innocent sa issue na ito.