Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, March 5, 2011

Vandalism, PUP at Iba Pa...

Ang larawan sa itaas ay HINDI KUHA SA PUP kundi naglalarawan lamang
ng halimbawa ng vandalism.  ITO PO AY HINDI KUHA SA PUP

Kahapon umatend ako Otaku Experience event sa Polytechnic University of the Philippines (PUP) Sta. Mesa. Napakaganda at napaka successful ng event pero higit pa dun sa event ay aking nakita ang isang larawan na tila napakasakit tingnan sa aking mga mata. Ito ay ang VANDALISM. Hindi lang ordinaryo kundi sobra-sobra at tila wala na sa lugar.

Sa bawat sulok ng paaralan maging sa comfort room ay napakaraming nakasulat. Tila ginawa nang freedom wall ang mga pader ng paaralan. Sabi ko nga sa sarili ko tila mahihirapan ako kung dito ako mag-aaral. May mga nakasulat na tungkol sa kanilang mga pinaglalaban, mga mensahe sa kung kani-kanino at kung anu-ano pang uri ng graffiti.

Para sa akin ay nabababoy at nababastos ang mga gamit at pasilidad ng paaralan dahil sa mga ganitong bagay. Hindi ba mas maganda sana ang mga pasilidad ng paaralan kung ang mga estudyante ay matututong igalang at alagaan din ang paaralan? Hindi lamang naman ang pamahalaan at ang paaralan ang dapat magpanatili ng kaayusan at ganda ng paaralan kundi ang mga nag-aaral din dito. Hindi ba mas maganda kung imbes na mag vandal at magreklamo ay makialam tayo sa pagpapaganda ng paaralan?

Akala ko nga lang sa PUP may mga ganito subalit ngayong araw sa Ateneo de Manila ay nakakita rin ako ng mga graffiti sa kanilang comfort room. Ito ba ay nagpapakita na likas na sa atin ang magvandal at magpapansin?

Ikaw anu ba ang pananaw mo rito? Tama ba ito o mali?


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: