Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, April 22, 2011

Ang Semana Santa at Mahal na Araw sa Pilipinas Noon at Ngayon


Sinulat ko ang artikulong ito, Biyernes Santo alas-3pm ng hapon. Sabi nila pagkalampas ng oras na ito ay patay na raw ang Diyos. Marami ang magsisimba at sa bandang gabi ay sasama sa prusisyon sa Biyernes Santo. Isa sa mga sikat na destinasyon ang Baliwag, Bulacan na kung saan makikita ang mga naglalakihang santo at karo na kasama sa pinakamahabang prusisyon sa Pilipinas.

Subalit, malaki na ang pinagkaiba ng Mahal na Araw noon at ngayon? Ikaw ba ramdam mo ba ang kaibahan?

NOON, walang mapapanuod na ganun karaming palabas sa TV kundi mga relihiyosong palabas at kadalasan pa nga dito ipinapalabas ang The Ten Commandments. NGAYON, marami ka nang mapapanuod sa regular TV at sa cable pa. Ipinapalabas ang mga sikat na pelikula nina Marian Rivera, Dingdong Dantes at maging mga horror films ay ipinapalabas. Ano nga ba ang kinalaman ng katatakutan sa Mahgal na Araw?

NOON, excited ako manuod ng Eat Bulaga pag Lunes Santo, Martes Santo, at Miyerkules Santo dahil may inihanda silang magandang kuwento na may aral para sa Mahal na Araw. NGAYON, tila tinamad na ang Eat Bulaga sa kakagawa kaya madalas mga rerun na lang ng kanilang palabas ang ipinapakita.

NOON, marami ang nagsisimba at nagpupunta sa mga lugar na may kinalaman sa Mahal na Araw o kaya naglalaro sa kalsada dahil walang magawa. NGAYON, marami ang nakatutok sa Facebook o kaya naglalaro ng online games... masuwerte na kung pumunta pa sila ng simbahan o kaya sumama sa prusisyon.

NOON, nagpupunta talaga ng pisikal ang mga taong gustong pumunta sa Bisita Iglesia. NGAYON, pwede ka na raw magbisita Iglesia online. Para sa akin walang saysay ang gawaing iyon kung bhindi ka pisikal na pupunta... ano yun parang online burol?

NOON, marami ang makikitang nagpepenitensya sa daan at makikita mo na hinahampas ang kanilang sarili. NGAYON, maswerte ka na pag nakakita ka ng isa o dalawa.


Tila sa paglipas ng panahon at pag-unlad ng teknolohiya ay nabago na rin ang mga bagay na dapat sana ay panatilihing taimtim at makabuluhan. Bagama't naniniwala ako na mas dapat ipagbunyi at ipagdiwang ang kwento ng Mahal na Araw dahil ito ay nangangahulugan ng pananaig ng liwanag... ay naniniwala ako na marami na ang nabago.

Ikaw, ALIN BA ANG MAS GUSTO MO? Mas gusto mo ba ang Mahal na Araw noon o ngayon?


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: