Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, April 5, 2011

Dora The Explorer Meets Doray The Peacemaker


Kilala nyo ba si "Dora The Explorer"? Kung kilala ninyo siya marahil hindi pa naman ninyo alam na may kamag-anak na siya dito sa Pilipinas. Ang pangalan ng puppet na ito ay si Doray at isa rin siyang explorer. Ang pagkakaiba nga lang si Doray ay nagpapahayag ng kapayapaan, kaya nga tinawag siya na "'Doray: The Peacemaker."

Ang Doray The Peacemaker ay isang proyekto ng mga PeaceTech Ambassadors mula sa Manila. Ang PeaceTech naman ay isang Non-Governmental Organization na naglalayong mabawasan ang namumuong di pagkakaintindihan sa pagitan ng mga Muslim at hindi Muslim.

Si Doray naman ay isang pupper na Kristiyano... puppet as in yung laruang gumagalaw ha... wag bigyan ng ibang kahulugan. Kasama ni Doray sina Sittie at iba pa. Ang kwento ni Doray ay sumasalamin sa simpleng diskriminasyon na naranasan ni Sittie nang siya ay mag-aral sa Maynila.



Panoorin natin ang Doray Claymation ukol sa Peace Education upang ating maintindihan ang mensahe na nais iparating ng "Doray: The Peacemaker" Layunin ng mga ambassadors ng PeaceTech na makakuha ng 100,000 hits kaya tulungan natin sila ha...



Para sa kabuuan ng "Doray: The Peacemaker" maaari ninyong mapanuod ang recording sa PeaceTech TV.

Nakikiisa ang "Pagod Ka Na Bang Maging Si Juan?" sa PeaceTech.net.



Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: