Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, April 22, 2011

The Holy Week Tradition in the Philippines


Kung may magandang magpapakita ng Tradisyon ng Semana Santa (Holy Week Tradition in the Philippines) ay ito ang mga video mismo na nakuhanan ng ating mga kababayan tungkol dito. Narito po ang ilang video na ating nakalap upang ipakita ang tradisyong ito at mga kaganapan sa Mahal na Araw sa Pilipinas.

Isa sa pinakasikat tuwing Mahal na Araw na sumasalamin sa tadisyon sa ating bansa (Holy Week Tradition in the Philippines) ay ang taunang prosesyon sa Baliwag, Bulacan. Para sa karagdagang impormasyon sa Baliwag, Bulacan maari kayong bumisita sa www.baliwag.net.



Makikita sa "Philippine Holy Week Tradition" video sa ibaba ang pagpapasan ng krus, Pasyon at ang pagpepenitensya. Karaniwang nakatakip ang ulo ng mga nagpepenitensya upang sila ay hindi makilala. Ayon na rin sa kanila ginagawa raw ito upang magsisi sa mga kasalanang kanilang nagawa.



Karaniwang magkakasama ang mga nagpepenitensya. Sa "Philippine Holy Week Tradition" makikita ang isang grupo habang nagpepenitensya.



Ang makikita naman sa susunod na video ay ang pagpapako sa krus na ginaganap taon-taon sa San Pedro Cutud sa Pampanga. Ito ay tinatawag na San Pedro Cutud Lenten Rites o Maleldo. Aktuwal silang pinapako sa krus gamit ang "5 cm stainless steel nails".

Bagama't hindi sinasang-ayunan ng simbahang Katoliko ang mga ganitong gawain hindi rin naman nila ito pinipigilan. Bukod sa lugar na ito may mga ganitong ring kaganapan sa iba pang lugar tilad ng Hagonoy sa Bulacan at maging sa Visayas.




Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: