Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, April 19, 2011

P125 wage increase is USELESS


Narinig ko sa balita kanina na hinihingi ng mga militanteng grupo na ipasa na ang P125 wage increase na across the board. Sa unang pakinig ay mukhang maganda pero kung papalalimin natin ang pagtanaw ay mukhang wala rin namang kwenta ito. Siguro marami tataas ang kilay at magagalit pero ito ang aking pananaw. Basahin natin sa ibaba kung bakit...

Halimbawa magtataas ng sahod na P125 tingnan natin ang epekto nito sa tatlong kumpanyang A, B, at C.

Si A ay kumpanya ng langis na may 100 empleyado. Ang kita ni A halimbawa ay P100,000 at ang gastos niya sa sweldo ay P50,000. Halimbawa may 100 siyang empleyado na dadagdagan ng P125 na sweldo kada buwan. So ang mangyayari ay P125 x 100 = P12,500 na dagdag na gastos para sa kanya.

Si B naman ay kumpanya ng lata na may 200 empleyado at ang kinikita niya ay P100,000 din. Sa 200 na empleyado ang ibig sabihin nito ay P25,000 na dagdag na gastos.

Si C naman ay isang trucking services at katulad din siya ng estado ni B.

Dahil hindi kaya ni A, B, at C na pasanin ng solo ang mga dagdag na gastos ay ipapasa rin nila sa kanilang mga produkto ang dagdag na gastos na ito. SA Pagtaas ng singil ni A ay maapektuhan ng dobleng taas ang singil sa mga produkto ni B at C sapagkat apektado na sila ng dagdag na sahot at apektado pa rin sila ng pagtaas ng presyo ng gasolina.

Dahil naman sa pagtaas ng trucking at ng lata ay doble naman ang magiging pagtaas sa mga presyo ng lahat ng produktong nakalata. Tataas din ang pasahe sa mga jeepney at bus dahil tumaas ang presyo ng gasolina at ng mga bilihin.

Ano sa palagay ninyo? Tama ba ako o mali? Kayo na po ang magsabi.


Also Visit My Other Blogs
| Newz Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Nooffensemeant said...

~ Hay naku, para namang mararamdaman natin un increase sa sahod. kasabay nyan eh pgtaas ng presyo ng mga bilihin at ng kung anu-ano pa. Ano pa't sumabay din ang pagtaas at pagdami ng mga Pinoy at ng mga problema rin nila?