Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 15, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: Biyaheng Cebu Pacific to General Santos City


JULY 15, 2011 @ General Santos City - Maganang Gensan! Iyan ang karaniwang maririnig mo kapag bumabati ang mga taga General Santos City. HIndi ko alam kung slogan ba yun ng isang pulitiko o talagang nakagawian na. Ang araw na ito ay puno ng mga bagong karanasan simula sa paglipad ko galing Maynila papunta rito sa General Santos City, ang Tuna Capital of the Philippines.

Ano ang dahilan at pupunta ako ng General Santos City?  Simple lang... para ito sa kapayapaan sa pamamagitan ng teknolohiya na dala ng PeaceTech.

Maagap akong nagising kumpara sa karaniwang gisting ko. 5:30am ay bumangon na ako, naghanda ng iba pang gamit, naligo at kumain ng itlog na luto ni Mei. Masarap na sana yung pandesal kaso mukhang hindi marunong ng masarap na luto ang Caridad's Bakery kaya tila malabato ang kanilang tinapay.

Pagdating ng pasado 7:00am ay nagpaalam na ako kay Mei at sa aking anak na si John Dwight. SUmakay ako ng Baliwag Transit na byaheng Pasay at deretso na ako bumaba sa Pasay. Mag LRT1 sana ako sa Munoz papuntang Taft pero since deretso na ang Baliwag Transit doon na ako bumaba.

Pagbaba ko doon ay naghanap ako ng tunay na taxi. May nag-alok kasi sa akin pero hindi naman taxi... aba mahirap na. Pagsakay ko ng taxi sabi ko, "NAIA 3 po." Sabi ng driver, "Naku bossing Terminal 1 and 2 lang po ang inihahatid namin dito." Syempre tinanong ko kung pwede ako ihatid, pumayag naman kaso doble raw dahil mag Skyway siya kaya P720. Pumayag na ako dahil ayaw ko na makipagtalo pa. Napansin ko lang wala naman sya tollgate na dinaanan at tila wala pang 15 minutes ang byahe namin. Anyway, ibinigay naman nya lahat ng detalye niya pati resibo.

So nakaget over na ako sa mahal niyang singil... hay buti nagdala ako ng extra. So pumasok na ako sa Gate 1 ng NAIA Terminal 3. Wow hanep ang ganda ng NAIA 3 para ka ngang nasa mall. Wala namang hassle ang aking ckeck-in kasi naka go lite ako. Kahit 2 ang bags mo basta backpack at hand carry ok lang naman pala. Iisa lang ang naging probnlema ko... ang dyaskeng payong na matagal kong iningatan para hindi mawala. Ayun di pala siya pwede sa eroplano kaya kailangan kong iwan... Well, excited pa naman siyang makita ang GenSan. Baka raw kasi gawing weapon. Yung guard na babae na pinagbigyan ko tuwang-tuwa... naisip ko tuloy ang dami siguro nila nakukuha... hmmm...

Bago nga pala ako pumasok sa Passenger Entrance Gate ay naglibot muna ako at tamang picture picture. Syempre nagutom ako at dahil 100 pesos lang ang budget ay naghanap ako ng mura. Akala ko wala na akong makikita mabuti na lang at nakakita ako ng rice meal na worth P99.00. O diba may sukli pang piso.



Nang makapasok na ako sa entrance hinanap ko na ang Gate 118. Madali ko namang nakita dahil may direction naman. Umupo ako at tamang picture picture ulit. Nag Facebook din ako habang naghihintay. Maya-maya pa boarding na sa wakas kaya pumila na kami ng single file.

Inihanda ko ang aking Boarding Pass na syempre may Terminal Fee na... kasi kanina nga pala di ko nasabi na bago pumasok sa gate ay magbabayad ka ng Terminal Fee na P200. Paalala rin na bawal ang mga lotion at ulit payong.

Papasok na kami sa daan patungo sa eroplano... at dun ko nakita sina Paolo Contis at Jennelyn Mercado. Sabi ko nga sa sarili ko tingnan mo nga naman nakita ko sila... san kaya sila papunta. Syempre dahil ayaw kong mahalata ng iba na artista fanatic ako di na ako humugot ng camera.


Pag-akyat sa eroplano sa dulo ako napasakay eh 11-A ang seat number ko. Habang naglalakad nag wish pa ako na sana sa bintana ako mapwesto. Kaya nga... pag-akyat ng eroplano... tadaannn... sa bintana nga ako nakapwesto. Tuwang-tuwa ako paglalakad at syempre di ako makadaan agad dahil nasa counterflow pala ako nung nasa unahan na papasok. Nang makita ko si Paolo at Jennilyn na dadaan di na muna ako lumakad bagkus ay pinadaan ko sila. Nag good afternoon pa ako sa dalawa pero parehong dedma. Hmp! Pag sumikat ako di ko kayo papansinin.
Pagkaupo sa eroplano nag seatbelt ako at kumuha ng inflight magazine at tamang basa. Hinanap ko kung may information tungkol sa GenSan. Doon ko nalaman na kung papara ka o bababa sa sasakyan ang dapat mong sabihin ay "Lugar lang" o dito na lang sa Tagalog.

Aba... nabasa ko na font to back ng magazine di pa umaalis. Yun pala ay delayed dahil may traffic congesion daw sa runway. Grabe nuh... may traffic din pala kahit eroplano.

Bago umalis nagdemo muna ang mga flight crew o stewardees kung ano dapat gawin kung sakaling may panganib. Pagkatapos nun ay lumipad na kami. May contest rin habang nasa eroplano, syempre may nagbebenta ng "gintong pagkain", ay mga souvenirs. Grabe ang isang C2 na 335Ml 50 pesos agad... yaiks!

Habang lumilipad ang eroplano ay wala akong humpay sa kakakuha ng photos. Ang gaganda ng ulap at nakakamangha. Sabi siguro nung mga kasabay ko... grabe bano ito kahi ulap kinukunan. Ang hindi nila alam eh hibang talaga ako... dahil mahirap makatyempo na nasa tabi ka ng bintana kaya sinamantala ko na.


 Pagkalipas ng kulang-kulang 2 oras ay bumaba na kami sa General Santos City Airport. Nakita ko ulit sina Paolo Contis at Jennelyn Mercado pero syempre dedma pa rin. Nakakainis nga eh dahil di ko nakunan... (ang cute pa naman ni Paolo este ang ganda pala ni Jennylyn._

Pagbaba sa terminl ay sinalubong kami ng napakagandang musika mula sa kulintang at iba pang katutubong instrumento. Pagkalabas ko ng airport ay diretso na sa taxi papunta naman sa Notre Dame of Dadiangas (NDDU) upang makipag-usap kay Sr. Gladys at pumunta sa tutuluyan ko.


Dito nagsisimula ang aking paglalakbay kasama ang PeaceTech sa Magandang Gensan. Abangan ang susunod....

MGA DAPAT TANDAAN PAGPUNTA NG GENERAL SANTOS CITY.
  • 1.  Mahal ang airport taxi
  • 2.  Itapon ang payong kung sakaling nadala mo ito sa airport... pero mas maganda wag mo na pasamahin kahit magpilit pa.
  • 3.  Kung naghahanap ng mura ang kailangang gawin ay maghanap lang.
  • 4.  Maaaring madelay ang eroplano kaya matutong libangin ang sarili
  • 5.  Palaging magdala ng camera
  • 6.  Kapag nasa bintana ka samantalahin na ang pagkakataon para makita ang himpapawid.
  • 7.  P300 lang ang taxi mula General Santos City Airport papunta sa city proper.


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

5 comments:

Allen Timola said...

Tama ang tip number 4 mo. Nadelay ang flight namin ng one hour. Nasa may NDDU ako ngayon nag-aaral. Pero dapat nailagay mo rin na sumama sa marunong magsalita ng Cebuano. Halos lahat naman ng tao dito e marunong magsalita ng Tagalog. Tip yun para sakin dahil hindi ako marunong magsalita ng Cebuano. At isa pa pala, asahan na rin na magbayad ng 50 pesos pagbaba ng airport kung magpapatulong ka na magpadala ng bag sa mga kargador dun papunta sa sasakyan. :)

Siya nga pala, mukhang pamilyar ako kay Sr. Gladys. :)

shenbrood said...

Thanks for the added information. Si Sr. Gladys ang Peace Coordinator ng
NDDU. Ang ganda nga ng HRM Lab nila... doon ako antulog. San ka nag-aaral
nga pala?

Noong Hulyo 18, 2011 12:00, Disqus si
<>ay sumulat:

shenbrood said...

LinkedIn
------------



I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.

- David

David D'Angelo
Communication Officer at Peace Tech Incorporated
Philippines

Confirm that you know David D'Angelo: https://www.linkedin.com/e/-psvy1r-gy2jbf5q-6f/isd/5726817727/XDabD0EG/?hs=false&tok=0Coj0cRxqUKl41
--
You are receiving Invitation to Connect emails. Click to unsubscribe: http://www.linkedin.com/e/-psvy1r-gy2jbf5q-6f/vZE98ripMgurQ33yVEkFGvibQqlKxjfTdWVEuNimiu0TcVvG4d3a/goo/notifications-FJRLCGXZRX%40disqus%2Enet/20061/I1992713570_1/?hs=false&tok=1InBrMGT6UKl41
(c) 2012 LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct, Mountain View, CA 94043, USA.

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------