Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 22, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: Cagayan de Oro City Take 1


JULY 20, 2011 @ Cagayan de Oro City, Mindanao - Medyo tinanghali ako sa pagpunta ako sa Cagayan de Oro dahil sinulat ko pa ang karanasan ko sa General Santos City bago ako umalis. Pasado 9am na ng makaalis ako ng bahay at nakalimutan ko pa ang Canon IXUS Camera ng PeaceTech kaya medyo nalungkot ako.

Dahil sa karanasan ko sa Taxi noong pagpunta ko ng General Santos City ay sa Kamuning na ako bumaba buhat sa Baliwag Transit Bus. Hindi ko pinayagan na mangontrata ang driver kaya nagmetro kami. Pumayag na rin naman ako kahit plus 50 dahil matrapik nga talaga. Mag 11:15 ay dumating ako sa NAIA Terminal 3 at P280 lang ang binayad ko sa taxi kumpara sa mala gintong P720 noong papunta ako ng General Santos City.

Dali- dali akong pumila sa check-in ng Cebu Pacific. Inabot ng 8.6kgs ang aking check-in baggage na swak naman dahil 15 kilos ang allowance. Natagalan pa nga ako ng konti dahil may nagrereklamong pasahero mulang HongKong na may binayaran daw sila pero ayaw honor ng Cebu Pacific dahil wala nga namang resibo.

Sa wakas ay nakapasok na rin ako sa passenger area at Gate 134 ang boarding gate namin papuntang Cagayan de Oro City. Gutom na gutom na ako kaya pagkadating ko malapit dun sa boarding gate ay bumili ako ng pantawid gutom, Lucky Me at Sarsi in Can. Wow! Grabe ONE HUNDRED PESOS na yun! Well... wala naman ako magagawa kasi gutom na ako.

Ang gintong Lucky Me at Sarsi!

12:10 ay nagboarding na ang eroplano papuntang CDO. Ang haba ng pila at kinailangan pa kami balikan ng Cebu Pacific Shuttle Bus para makasakay lahat. Ok naman sa shuttle bus. Nakarating na rin sa wakas sa eroplano. Hay... may trapik din pala dito! Halos 2pm na kami nakaalis ng NAIA Terminal 3 at nakarating ng Cagayan De Oro City mga 3:30pm. Smooth sailing naman ang flight at since nasa isle sit ako ay wala akong nakitang tanawin... kaya natulog na lang ako.

Ang loob ng eroplano mula sa kinauupuan ko

Pagdating ko ng Cagayan de Oro City Airport sa CDO na tinatawag din nilang "The City of Golden Friendship" ay sumakay na ako ng taxi. P200 ang binayaran ko mula sa airport papunta sa Red Palm Inn kung saan ako magpapalipas ng gabi.

Cagayan de Oro Airport: (top) entrance from the tarmac, (bottom) view inside the arrival area


Ang Red Palm Inn ay matatagpuan sa Capistrano St. cor Cruz Taal St, Cagayan de Oro City. Malapit din ito sa tinatawag nilang Divisoria. Maganda ang lugar, presko na at mura pa. May Cable television din at mabilis na Wi-fi... napakaganda pa ng serbisyo at magiliw ang mga staff nila.

Ang loob ng kwarto sa Red Palm Inn, Cagayan de Oro City

Ito ang tanawin mula sa labas ng aking room sa Red Palm Inn, Cagayan de Oro City

Kung tutuloy kayo sa Cagayan de Oro City ito ang isa sa nirerekomenda ko na tuluyan ninyo.

Bandang hapon ay nagutom ako kaya lumabas ako mula sa Red Palm Inn. Malapit lang ang isang bakery dito at mga kainan tulad ng Chowking, McDonalds at Jollibee. Umorder ako ng Chorizo Chowfan sa Chowking bilang meryenda o Lunch Take 2.


Nagpicture picture ako ng konti dahil takot ako gumala. Hindi rin dumating yung kameeting ko kaya medyo nalungkot ako pero dinaan ko na lang sa panunuod ng Cable at paginternet ang hapon. Bandang gabi ay nagutom ulit ako kaya kumain naman ako sa McDonalds.... syempre palaging mga tipid meals ang order ko.

SM City Cagayan de Oro.. nadaanan ko lang yan sa taxi na sinakyan ko mula sa Airport

Ito na marahil ang Divisoria, Cagayan de Oro City.  May Night Cafe dito o parang Tiangge tuwing Biyernes at Sabado
Cute mga tricycle nila kasi parang mahuhulog ka sa likuran.

Sa kabuuan masaya ang naging unang araw ko sa Cagayan de Oro City. Busy at maingay ang lugar pero sa tingin ko ay ligtas dito. Maraming magagandang pwedeng puntahan ayon sa naresearch ko tulad na lang ng Limketkai Mall at syempre ang kanilang Night Cafe tuwing Biyernes at Sabado.  Uso rin nga pala ang trapik sa mga kalsada ng Cagayan de Oro City kaya wag kayong mabibigla.

Hanggang sa muli nating paglalakbay!



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: