Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, July 16, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: General Santos City Day 1

JULY 15, 2011 @ General Santos City, Mindanao - Magandang GenSan! Ito ang pagbati na maririnig mo sa General Santos City. Isang pagbati na madalas mo rin makikita sa mga lansangan, malls at iba't-ibang establishments sa GenSan.

Hindi ako nahirapang pumunta sa Notre Dame of Dadiangas University (NDDU). Malawak at maganda ang campus nila. Lalo akong namangha ng makita ko ang tutuluyan kong kuwarto. Sa halagang 500pesos a night ay parang nasa isang five star hotel ka na.

Ito ang NDDU HRM laboratory na kakatapos lamang makumpleto. Sa totoo lang ako ang isa sa mga kauna-unahang tumira dito.Simula sa reception hanggang sa mga facilities sa loob ng room talagang nakaka amaze. Soon daw may cable TV na rin sila. Imagine sa loob may DVD player pa at syempre may Wi-fi.

Isang magandang pagsalubong din ang natanggap ko mula kay Sr. Gladys, siya ang Peace Coodinator ng NDDU at adviser ng Peace Network. Ipinasyal niya ako sa KCC Mall of GenSan. Isa itong mall na kahawig na kahawig ng SM ang styling.

KCC Mall COnvention Center

Papunta doon nakita ko ang tinatayong SM City General Santos na mas malaki raw kaysa sa SM City Davao. Sa KCC Mall nakita ko rin ang malaking KCC Convention Center na pinagdarausan ng mga pagdiriwang ni Manny Pacquiao. Doon ko rin nakita ang shop ng asawa ni Manny na si Jinkee Pacquiao.



Kakalakad nagutom ako kaya inaya ko na si Sr. Gladys magdinner sa Nanay Bebang. Sa sobrang sarap nung Tuna nakalimutan ko kunan siya habang kumain... kaya nga medyo may kagat na yung shot. Grabe ang mura nya kasi P85 lang may kasama na siyang kanin.



Pagkatapos noon tuloy na ako ulit sa NDDU. Mababait naman ang mga tricycle driver sa General Santos City. 8pesos ang minimum fare pero kung medyo malayo mga 15 pesos to 30pesos okey na yun. Malalapad rin ang mga kalsada nila kaya... wow talaga.

Pagkatapos ng unang tingin sa General Santos City ay natulog na rin ako pagkatapos mag check ng Facebook gamit ang Wifi sa HRM lab ng NDDU.

NDDU HRM laboratory Bar

NDDU HRM Laboratory rooms hallway

NDDU HRM Laboratory room view

NDDU HRM Laboratory rooms room view

NDDU HRM Laboratory room view



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Sef Gutierrez said...

that's a very cool place, personally i never visited any place in Mindanao before