Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, July 16, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: General Santos City Day 2


JULY 16, 2011 @ General Santos City, Mindanao - Magandang Gensan ulit! Ang PeaceTech radio program ang focus ng araw ko ngayon. Ngayong araw na ito ilaunch ang radio program na isang proyekto ng PeaceTech Ambassadors ng General Santos City sa pakikipagtulungan ng Peace Partners ng Notre Dame of Dadiangas University (NDDU) at DXCP, isang lokal na himpilan ng radyo. Medyo napuyat ako ng konti kaka Facebook kaya 8am na ako nagising at syempre masarap matulog dun sa NDDU HRM Laboratory.

Bago umalis ay ipinakita muna sa akin ni Sr. Gladys ang kanilang opisina at dito ko napansin ang isang naka peace sign na larawan ni Jesus Christ. Napaka saya niyang tingnan at nakaka inspire talaga.


Pagkatapos noon ay nagtuloy kami sa kanilang peace exhibit na may temang "Integrity of Creation." Ang temang ito ay sumasalamin syempre sa pangangalaga sa kalikasan at kung bakit ito dapat pangalagaan. Simple lamang ang exhibit na kinatampukan ng mga halaman at ibat'-ibang larawan na nagpapakita ng ganda ng kalikasan.


Ilang minuto pa ay tumuloy na kami sa DXCP. "Gender Discrimination" ang tema ng usapan. Ito ay tumatalakay sa mga problemang kinakaharap ng ating mga kababaihan. Ang mga panauhin ay kumakatawan sa Philippine National Police, Muslim women's sector, Department of Social Welfare and Development at isang abogada. Maganda ang naging talakayan na kung saan ang mga PeaceTech Ambassadors mismo ang nagtanong sa mga panauhin. Nabigyan din ako ng pagkakataong makapagsalita. Yoon nga lang hindi ko masyadong maintindihan ang talakayan dahil Cebuano ang ginamit na salita.

Pre-conference meeting

Balitaktakan sa programang Sundot Kalikot ni Ka Philip

Syempre tanghali na ng matapos dahil tumagal ng isang oras ang talakayan, 9:30am - 10:30 am. Tunuloy kami sa Robinsons Plaze General Santos City para kumain kasama sina Sr. Gladys at ang mga ambassadors pagkatapos naming makapagpulong. Umorder ako ng isang napakasarap na putahe na may kasamang tuna syempre.



Sa hapon ay naglibot ako kasama sina Sr. Gladys, Jordan Daganato at Rahib. Pinuntahan namin ang pwesto ni Manny Pacquiao, ang kanyang napakalaking manyon at ang ilan sa kanyang mga gusali at negosyo. So far, tanaw lang naman ang nagawa ko pero okey na yun.

Pwesto ni Manny Pacquiao sa Robinsons Place General Santos City

Mansion ni Manny Pacquiao
isa sa mga franchise na negosyo na nakatayo sa gusaling pag-aari nina Manny at Jinkee Pacquiao

Napuntahan ko rin ang town plaza ng General Santos City at sadyang napakaganda nito. Maganda ang landscaping at may mga outdoor sound system pa.

Municipal Building of General Santos City

Ang makukulay na tricycle ng GenSan

isang tambayan na nakaagaw pansin sa akin sa GenSan Plaza
Ang malalapad na kalsada ng General Santos City

Pagkatapos ng pagtambay sa plaza ay dumiretso naman ako upang ma experience ang 3D movie sa General Santos City. Mantakin nyo sa 150 pesos ay makakapanuod ka na ng 3D movie na may kasama pang libreng Popcorn at softdrinks.


Isang mahaba at napakagandang araw ang natapos na naman. Sa gabi ay kumain lamang ako ng Chicken Barbeque sa halagang P45 na may kasama nang kanin. Wow swabe! Napakamura ng mga pagkain... at syempre deretso tulog na sa NDDU HRM Laboratory para matulog. Kakapagod pero sobrang saya.



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

8 comments:

Sef Gutierrez said...

ok pala ang gensan. ang ganda ng place

shenbrood said...

Maganda talaga... as in... mura na maganda pa!

Sexy Pinay said...

Laki mansion ni Manny

shenbrood said...

Malaki talaga pero sabi nila mas madalas ay walang tao sa mansion ni Manny Pacquiao kundi mga katulong lamang.

shenbrood said...

LinkedIn
------------



I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.

- David

David D'Angelo
Communication Officer at Peace Tech Incorporated
Philippines

Confirm that you know David D'Angelo: https://www.linkedin.com/e/8aqjoa-gy2jaw15-6w/isd/5726814238/veZ2TIoz/?hs=false&tok=0xO3jSYA-UKl41
--
You are receiving Invitation to Connect emails. Click to unsubscribe: http://www.linkedin.com/e/8aqjoa-gy2jaw15-6w/dGvn6opuRqRGlnIGp7VvdD24e9R0B7AgvesdL9p6xsaO-PKsLXwA/goo/notifications-HSWGVI27XV%40disqus%2Enet/20061/I1992712298_1/?hs=false&tok=20xRTpS3uUKl41
(c) 2012 LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct, Mountain View, CA 94043, USA.

shenbrood said...

LinkedIn
------------



I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.

- David

David D'Angelo
Communication Officer at Peace Tech Incorporated
Philippines

Confirm that you know David D'Angelo: https://www.linkedin.com/e/rq4uj5-gy2jb1qx-j/isd/5726815247/8KZiGdnH/?hs=false&tok=2xJ-HTEmyUKl41
--
You are receiving Invitation to Connect emails. Click to unsubscribe: http://www.linkedin.com/e/rq4uj5-gy2jb1qx-j/vnssU5R3SVqVMhDPuiMcjcyj1__djM2c4j_sGSzXwRd/goo/notify-USK88H59IE%40disqus%2Enet/20061/I1992712695_1/?hs=false&tok=28GJwHzjWUKl41
(c) 2012 LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct, Mountain View, CA 94043, USA.

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------