Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 26, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: Iligan City, The City of Waterfalls

IPDM Office with Prof. Flores, Ma'am Sittie and Christian

JULY 21, 2011 @ Iligan City, Mindanao - Malipayong pag-abot sa Iligan! Iyan ang pagbating nabasa ko pagdating ko sa MSU-IIT sa Iligan City. Ang MSU-IIT o Mindanao State University - Institute of Information Technology ay isa sa maraming sangay ng MSU sa Mindanao. Ang hostel dito ang magigi kong pansamantalang tirahan sa loob ng 2 araw.

Dalawang oras ang byahe mula Cagayan de oro City papuntang Iligan City. 12:40 ng tanghali ng makaalis ako ng Cagayan de Oro City. Sa bus terminal na ako ng CDo kumain. "Sea weed" o halamang dagan ang aking iniulam. May kakaiba siyang lasa pero swak naman sa sarap at experience.

Halamang dagat delicacy... sarap with kurot taste :)


Kung sasakay ka papuntang Iligan City mula sa Cagayan de oro ay marami kang pagpipilian. Kung hindi ka naman nagmamadali at tipid sa budget pwede kang sumakay ng ordinary bus. Dito mga 3 oras na mahigit ang byahe. Pero kung gusto mong mapadali ka at deretso ang byahe piliin mo ang non-stop bus na byaheng Iligan. P115 hanggang P145 ang pamasahe dito.

Safe naman at masaya ang aking naging byahe. Nakapanuod ako ng pelikula ni FPJ na luma na sinundan ng pelikula ni Chiquito... yung E.T. o Estong Tutong. Nakasabay ko rin sa bus si G. Dennis C. Santander ang Deputy CEO ng MASS-SPECC Cooperative Development Center. Ang MASS-SPECC ay isang kooperatiba na tumutulong sa pagpapalago ng negosyo at ng mga mamamayan sa Mindanao. Mahaba ang aming naging kwnetuhan hanggang sa bumaba siya bago mag Sta. Filomana sa Iligan City.

Ang mga industriya ng Iligan City

Pagbaba ko ng bus ay may humihila na agad ng aking bagahe. P10 lang daw pero syempre since medyo takot ako ay hindi ko siya pinagdala saka kaya ko naman. Pagkatapos noon ay sumakay na ako ng jeep papunta sa MSU-IIT. Mabait ang aking nasakyang jeep at nakapagkwentuhan pa kami ukol sa buhay-buhay ng isang jeepney driver sa Iligan. Tila hindi naman nagkakaiba ang kanilang mga hinaing tulad ng mga driver sa Maynila.

MSU-IIT Hostel

Pagkarating ko sa MSU-IIT ay sinalubong agad ako ni Ma'am Sittie ng Institute for Peace and Development in Mindanao o IPDM. Inihatid niya ako sa MSU-IIT Hostel. Okay naman ang hostel. Ibinaba ko ang gamit at agad na sumama upang makipagkita sa mga PeaceTech Ambassadors sa Iligan City. Ang lawak pala ng MSU-IIT at may kalayuan ang building ng IPDM. HIndi pa rin ito tapos na tapos talaga dahil marami pa raw dapat gawin kaso kinukulang sa budget.





Nakausap ko ang bagong director ng IPDM na si Prof. Flores. Masya siyang kausap at marami kaming napagkwentuhan ukol sa isyu ng Mindanao, sa kanyang buhay at ang pinakamahalaga paano ba magkatulungan ang PeaceTech Embassy sa pamamagitan ng mga ambassadors at ang IPDM. Naging maganda at informative ang aming usapan.

with Iligan PeaceTech Ambassadors and Ma'am Sittie of IPDM

Pagkatapos ng masinsinang usapan ay dumiretso kami sa isa sa pinakasikat na lugar kainan sa Iligan City ang "Enangs". Umorder kami ng Chicken Inasal na may unlimited rice at syempre isang order ng Bulalo para naman matikman namin.

Masaya at mahaba ang aming kwentuhan ukol sa sari-saring isyu... ang tanging problema ay hindi ko sila masyadong maintindihan dahil Bisaya nga ang salita nila.Kinuwento sa amin Ni Ma'am Sittie ang alamat ng pinagmulan ng Iligan City at syrempre yung tungkol sapinagmulan ng Iligan at ang kwento tungkol kay San Miguel. Si San Miguel ang patron ng Iligan City.

Papasok ng Enangs

Chicken Inasal and Unlimited Rice

Bulalo Express

Pagkatapos ng masaya at masustansyang kwentuhan ay inihatid na ako ni Kevin Simacon sa MSU-IIT Hostel. Bago matulog ay namataan ko ang mgha taga Iligan City East High School na sina Fatima Mesa, Hannah Faith Garsuta at Trixcel Emborong na nakatambay malapit sa IIT. Nilapitan ko sila at doon namasyal kami ng sandali na magkakasama.

Pagkatapos ng isang mahabang araw at nakakapagod na byahe ay natulog na ako sa Hostel.

Kinabukasan ay agad akong gumising, gumawa ng liquidation at pagkatapos ay nagupload ng mga photos. Saglit din kaming nagmeeting ni Kevin upang mapag-usapan ang meting kinabukasan.

Mag-1 ng hapon ay pumunta na ako sa Iligan City East High School, Medyo malakas ang ulan kaya di rin ganun kadali pumunta sa mga school na tulad nyan. Pagdating ko doon ay deretso sa canteen at nag candy.

Iligan City East High School - Sta. Filomena

Maya-maya pa ay dumating na sina Misa Devs at Trixcel pati si Sir Lagos. Inihatid ako sa Principal's office upang mag courtesy call. Natuwa ang principal sa PeaceTech at syempre proud sila na isa sa naging beneficiary ng project ay ang school nila. Pagkatapos ng courtesy call ay deretso na sa IV-Abelardo.

Courtesy call sa principal kasama si Sir Christopher Lagos

Habang papasok sa room ay sinalubong ako ng PeaceTech song with matching gitara and choral singing. Wow memorize nila ang PeaceTech song! Nagpakilala ako at pagkatapos ay nagpresentation na ang mga estudyante. Kinanta nila ang kanilang sariling likhang awit ang "Bagong Pilipinas." Sa tuwing kinakanta ito ay naaalala ko ang kampanya noon ni Nicanor Perlas na naka angkla sa isang pangarap na bagong Pilipinas. Napakaganda ng kanilang awitin.

IV-Abelardo students performing "Bagong Pilipinas"

Project presentation

Kasama ang mga mag-aaral ng Iligan City East High School - Sta. Filomena

Pagkatapos noon ay iprinesenta na nina Trixcel ang kanilang proyekto na Peace Through Arts. Gagawa ng mga taga Iligan City East High School ng mga merchandise na may kinalaman sa kapayapaan at ibebenta ito. Ang mapapagbentahan ay gagamitin para makapagproduce ng isang play. Mga 20-30 minutes ang play na ipapalabas sa mga schoolmates nila.

Ito ang kauna-unahang proyekto ng PeaceTech na may "sustainability" sapagkat mayroon siyang "Fund raising component." Hanga ako sa mga batang ito sapagkat sa murang edad nila ay nasa puso na nila ang kapayapaan.

Deretso na sana ako sa MSU-IIT Hostel at akala ko wala na akong malilibot sa Iligan City. Buti na lang at nakasabay ko sa jeep sina Trixcel at Fatima. Nagdecide sila na samahan ako sa paglibot sa Plaza at magbonding at magkwentuhan na rin.

SIna Trixcel at Fatima sa jeep... buti na lang nakita ko kayo!

Kumain kami ng hapunan sa Iligan City Plaza... isaw... barbecue, kanin at softdrinks... yan ang naging hapunan naming tatlo. Sinamahan pa yan ng masayang kwentuhan habang lumilibot sa mga kalsada ng Iligan City. Kumain ako ng mangga na tinadtad talaga sa malililiit na "cubes".

Pinuntahan din namin ang Gaisano Mall of Iligan City. Kahit pasara na ay nagawa pa rin naming maglibot doon kahit papaano,. Lakad lang at puro lakad... ni hindi kami sumakay.

Iligan City cathedral

Nagtirik kami ng kandila at nagdasal sa simbahan

Isa sa sangkatutak na paaralan sa Iligan City

Isa sa maraming supermarket sa Iligan City

Ang aming hapunan!

Night Cafe ng Iligan City

Mapayapa ang Iligan City, mababait ang mga tao at sadyang safe na safe ka rito. Nagawa ko pa ngang maglakad na mag-isa pauwi mula sa crossing hanggang sa MSU-IIT, layong mga 1km. Di ako natakot sapagkat alam ko marami sa mga kuwento ukol sa Mindanao ay hindi naman totoo.

Ang kumikinang na kalsada ng Iligan City

Gaisano Mall - Iligan City

Dahil maggagabi na ay naghiwa-hiwalay na kami sapagkat alam ko na kailangan pa ring tapusin nila ang kanilang mga assignments para sa PeaceTech at ganoon na rin dahil may CAT kinabukasan.

Kung may pinaghihinayangan ako at dapat kong balikan sa Iligan City, iyon ay ang pagbisita sa mga magagandang waterfalls nito. Sa pagbabalik ko ay sana makita ko ulit at makasama ang mga bibong estudyante ng Iligan City East High School.

MSU-IIT Campus

Naging masaya ang tulog at araw ko sa Iligan City. Kinabukasan ay tutungo naman ako sa Cagayan de oro City upang lumipad papunta sa Davao City tapos ay sa Cotabato City.

Salamat sa pagbabasa at sana ay may natutunan kayo.

Hanggang sa muli Iligan City... sa susunod na pagkakataon maranasan ko na ang iyong mga dagat at waterfalls!



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

4 comments:

Sef Gutierrez said...

nasan yung waterfalls? sayang maganda ata ang falls jan

Rolly_1028 said...

salamat kaibigan at nkapunta ka sa lugar nmin sa iligan,tulad mo na prove mo talaga na peaceful ung iligan tulad nang iniisip nang taga maynila..good job! sana makabalik ka sa iligan at pasyal ka sa mga falls dun

Nebru Fajardo said...

I really appreciate for making Mindanao as safe haven for all people around the world and for our Filipino brethren..Hope this will change the image of our Island Mindanao as safe and surest destination for all people across the four corners of the Earth.
To my beloved place Iligan, saludo ako sa pinapakita nyo sa writer.  God bls Iligan and to all Filipinos.

David D'Angelo said...

Sa susunod talagang mga waterfalls naman ang bibisitahin ko.  Medyo amdami kasing work load noong nagpunta ako kaya hindi ako nakabisitia... lalo na sa Maria Christina Falls :(