Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, July 14, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: Preparation


JULY 14, 2011 @ Baliwag, Bulacan - Ang pagpunta ko sa General Santos City sa Biyernes ang magiging kauna-unahan kong pagpunta sa Mindanao. Ipokrito ako kung sasabihin ko na hindi ako natatakot o kinakabaham sa pagpunta doon.

Sa ating bansa tila pinapalabas na ang Mindanao ang isa sa pinakadelikadong lugar sa Pilipinas. Kung tutuusin hindi naman ganun talaga kadelikado ang mga lugar na ito. Hindi ba delikado rin naman dito sa Luzon? Sa dami ng krimen araw-araw tila nabuhos ang masamang pagtingin sa Mindanao.

Isang pagkakataon para sa akin na makita ng malapitan ang kultura, tao, at pananaw sa Mindanao.  Ang lahat ng ito ay dahil sa aking trabaho sa PeaceTech, isang organisasyon na ginagamit ang teknolohiya para mapalaganap ang kapayapaan at pagkakaunawaan.

Kakamustahin ko sa General Santos angga kabataang hinulma ng PeaceTech para maging mga peace ambassadors sa tulong ng Peace Center at ni Sr. Gladys. Excited akong makita at makasalamuha sila at personal din na matanong ukol sa Mindanao at sa GenSan.

Ang General Santos City ang sinasabing Tuna capital ng Pilipinas kaya hindi ko hahayaang makalipas ang pagkakataon na makatikim ng masarap nilang Tuna.

Bago rin umalis sabi sa akin mi Zabra, kasamahan ko sa PeaceTech na kung may dapat sundin sa anumang lugar sa Mindanao at hindi ka tagaroon ay "manatili sa bahay pagkalipas ng 6pm," at yaan ang tatandaan ko.

Sa pagpunta ko sa Mindanao bibisitahin ko rin ang Iligan City, Cotobato City, at Zamboanga City.

Sa mga susunod na araw ay ating alamin ang mga susunod na kuwento ko sa Mindanao. Tara na at samahan ninyo ako.

Kung may kuwento rin kayo tungkol sa Mindanao ay ishare din ninyo sa ating mga mambabasa.

Hanggang sa muli mga katoto.



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: