Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 12, 2011

Senate and Congressional Moro-Moro

Moro-moro, Panggalan - isang palabas o stage play noong panahon ng Kastila na nagpapakita ng pagsakop sa mga Moro o Muslim na sa katotohanan ay hindi naman nangyari kahit minsan. Sa makabagong panahon ito ay nangangahulugan ng isang scripted na bagay o pekeng gawain.

Panay-panay ang senate at congressional hearings ngayon hinggil sa mga katiwalian ni dating Pangulong Arroyo. Pinakahuli na nga dito ang PCSO Scandal na kung saan nadamay pati mga obispo.

Pero may patutunguhan nga ba ang mga bagay na tulad nito?

Alam ba ninyo na milyong-milyong piso ang nauubos dahil sa mga ganitong hearing? Milyong piso na sana ay nagamit pagpapatayo ng mga paaralan, pambili ng upuan para sa mga mag-aaral, pagtulong sa mga maliliit na megosyanteng Pinoy at marami pa.


Para sa akin kung walang mapaparusahan at puro dakdakan na lang ang gagawin sa mga Senate at Congressional Hearing manapa ay itigil na ang mga ito.

Bugbog na si Arroyo at alam na ng lahat na nagnakaw siya at ang kanyang mga alupores sa kaban ng bayan. Pero kung si Marcos nga ay malilibing pa sa Libingan ng mga Bayani, si Gloria kaya makulong pa?

Kung pagsasamahin nakulimbat ni GMA at Marcos o ikumpara bawat isa yay Erap walang wala yung kay Erap. Pero si Erap nakulong at tila siya lang ang nagawan ng ganun. Bakit nga kaya?

Tila nag-aaksaya lang ng pera ang taumbayan sa mga walang kwentang hearings na ito. Kayo ba sang-ayon ba kayo dito o hindi? Ano sa palagay nyo ang dapat gawin?


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Sef Gutierrez said...

since ayaw ng CBCP sa RH Bill ginigisa tuloy sila ngayon ng gobyerno

Will said...

Anyone can enlighten the Filipinos para saan ang hearing sa Senado? Bakit hndi hayaan ang Supreme Court sa mga ganyan or NBI? Hayyy!

WILL - www.reviews-all.blogspot.com