Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, July 25, 2011

SONA ni PNoy at ang mga Ralyista

Tila bingi ang mga ralyista sa anumang State of the Nation Address o SONA. Taun-taon ay nagsusunog sila ng effigy ng nakaupong Pangulo. Kung aking lilimiin ay napakaganda ng SONA ni PNoy. Ito na ata ang pinakamatindi, pinakamakatotohanan at pinaka maka-Pilipinong SONA. Pero ang tanong bakit pa rin sila nagwewelga?

Ano nga ba ang proposal ng mga ralyista? Ano ang kanilang mga nais gawin at ano na ang kanilang mga nagawa para sa bayan? Walang masamang magreklamo pero dapat ang nagrereklamo ay mayroon ding mga proposal at tulong na nagagawa para mapa angat ang ating bayan.

Bakit pag opposition ang role palagi ay oppose ng oppose? Tama bang tanungin na "Ano ang solusyon sa pagtaas ng presyo ng langis?" Simple lang naman ang sagot na wala tayong kontrol sa pagtaas ng presyo nito sapagkat ang pandaigdigang pamihilihan ang nagdidikta nito.

Sinasabi nilang tuta si Aquino at ganun din ang mga nakaraang administraston. Hmmmm... kung si Manny Villar kaya ang naupo ay ganun pa rin ang sasabihin nila? Sa pagkakaalam ko si Villar ang sinuportahan nila at ang dahilan nito ay.... dahil nmagustuhan daw nila ang programa nito... well, yun ang sabi nila.

Wala akong against sa mga ralyista sapagkat ako man ay nakikiisa sa mga ipinaglalaban nila. Simple lamang naman ang aking nais iparating... KUNG GUSTO NATING MAKATULONG SA BAYAN AY DAPAT MAYROON TAYONG SOLUSYON AT HINDI PURO REKLAMO.

Pagkatapos ng rally ano ang makikita? Kalat... kalat at puro kalat. Yung simpleng paglilinis ba ay nagawa? Ano ang makikita sa mga paaralan na kung saan aktibo ang mga nagraraly na ito? VANDALISM... PANGIT NA CR... SIRANG MGA UPUAN. Mga kagamitan ito na pera ng taumbayan ang ginamit... ang taumbayan na sabi nila ay pinaglilingkuran nila.

Full blooded activist ako pero sa edad kong ito ay aking nalaman na ang tamang ibig sabihin ng ACTIVISM ay CRITICAL THINKING AND PARTICIPATION WITH ACTION AND SOLUTION.

Ikaw ang sumagot sa mga tanong na ito at sabihin mo kung "ZERO" nga ba ang rating ni PNoy sa kanyang SONA 2011:

1. Bukod kay Erap sino pa ba ang gumamit ng Pambansang Wika sa kanyang SONA?

2. Sino ba ang iba pang pangulo na nagbigay pansin sa mga IMBENSYONG PINOY?

3. Bukod kay PNoy sino ang nagbigay pansin sa AGRIKULTURA?

4. May nagbigay ba ng pansin sa isang MATINONG PAGLABAN SA KATIWALIAN?

5. May tumukoy ba sa mga naghaharian sa Mindanao at kinakawawa ang mga ordinaryong Kristiyano, Muslim at Lumad?

6. May nagsabi ba ng deretsuhan ng mga narating niya sa kanyang unang termino?

Sige nga sabihin mo sa akin kung BAKIT ZERO ANG GRADE MO KAY PANGULONG AQUINO? Bakit pangit ang kanyang SONA?

Ipaliwanag mo sa akin kaibigan...



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: