Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 13, 2011

Diary of My Travel to Mindanao: Cagayan de Oro City Take 2

JULY 23, 2011 @ Cagayan de Oro City, Mindanao - Ito ang pangalawang beses ko na mapunta sa Cagayan de Oro City. Mabuti na lang at nakilala ko doon ang isang kaibigan na nakachat ko sa Facebook, si Val. Sinamantala ko ang panahon na nandun na kahit papaano ay may mabisita man lang ako sa CDO. Alam nyo naman maiksi ang buhay kaya dapat ang bawat pagkakataon ay samantalahin.

Dahil nga 3 oras lang ang aking ilalagi sa Cagayan de Oro City ay konti lang ang napuntahan ko. Papunta sa Cagayan de Oro City mula Iligan City ay inabot na ako ng halos 2 oras. Doon ko natikman ang napakasarap na bibingka na masasabi kong kasing sarap ng bibingka dito sa Bulacan at limang piso lang iyon.

Ang masarap na bibingka

Sa biyahe ko rin papunta sa Cagayan de Oro City naranasan ang kauna-unahang animal quarintine procedure kung saan pinababa kami lahat sa bus at saka pinadaan sa isang lugar kung saan malilinis ang aming mga paa.

Pagdating ng Cagayan de Oro City ay sinalubong na ako ng kaibigan kong si Val. Nagtungo agad kami sa Limketkai Mall. Ito ang pinakamalaking mall sa Cagayan de Oro City. Kakaiba ang pagpapalawak nito dahil palapad ito at palawak at hindi pataas.

Sabi ko "hala may bayad pala ang baggage counter dito!"

Wala ring pinagiba sa mall sa Manila.

Parang hotel nuh... pero mall lang yan :)

Doon na rin ako nagtanghalian sa Mang Inasal at pag Mang Inasal syempre unlimited rice. Naglibot-libot kami sa mall at nagkwentuhan. Nagpaturo rin ako ng konting Cebuano ng sa gayon naman ay matuto ako. Doon ko rin nakita ang isang anime shop na syempre tiningnan ko at pinuntahan. Bibilhin ko sana ang isang kwintas na may libro ni Kakashi kaso nagdalawang isip ako.

iVana: Anime house in Cagayan de Oro City

Grabe gusto ko talaga bumili...

Ayan o yung kwintas na libro ni Kakashi XD

Ang mura ng Cloud Strife na costume na ito... kung bagay nga lang sa akin binili ko na

Ang gaganda naman ng mga display na gadgets sa isang "Apple" store sa Limketkai Mall at napa wow talaga ako!




Feeling model naman ako sa Mark and Spencer kaya tamang pose. Napakaganda kasi ng signage nila at tila ba nasa isa kang photoshoot. Sabi ko nga sa aking sarili at kung magkakaroon ng Cosplay sa Cagayan de Oro City mas maganda sa Limketkai kaysa sa SM City Cagayan de Oro.


Kung mahaba lamang ang oras ay maraming pwedeng puntahan ayon kay Val at isa na rito siguro ang mga adventure trails tulad ng white water rafting, mountain climbing, swimming at marami pang iba. Sabi ko nga sa aking sarili sa susunod ay magtatagal ako ng konti sa Cagayan de Oro City.

Bago ako tuluyang umalis ay nagpunta muna kami sa isang Art Exhibit Gallery sa loob ng Limketkai Mall, Cagayan de Oro City.


Kung may ayaw lang ako sa Cagayan de Oro ay ang sobrang pagkatraffic nito. Makikitid ang kalsada kaya dahil sa traffic muntik na akong malate sa aking flight. Maiksi man ang aking naging panahon ng pamamalagi doon ay masasabi kong maganda ang Cagayan de Oro City. Nagpapasalamat din ako na nakakilala ako ng isang mabuting kaibigan na tiyak na isang kayamanan. Salamat Val sa oras sa pagsama mo sa akin sa CDO.


Mula Cagayan de Oro City ay pumunta naman ako ng Davao City upang doon matulog at pagkatapos ay tumuloy na sa Cotabato City.


Ito ang aking, "Diary of My Travel to Mindanao."



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

5 comments:

Vallovej said...

Sarapa balikan ang Cagayan de Oro diba Sir Dave.. hehehehe... balik po kayo ha!!

shenbrood said...

Syempre naman. Definitely babalik ako.

shenbrood said...

LinkedIn
------------



I'd like to add you to my professional network on LinkedIn.

- David

David D'Angelo
Communication Officer at Peace Tech Incorporated
Philippines

Confirm that you know David D'Angelo: https://www.linkedin.com/e/-3nd027-gy2jbabc-5o/isd/5726816740/qfaa02qo/?hs=false&tok=2wG7KgTy-UKl41
--
You are receiving Invitation to Connect emails. Click to unsubscribe: http://www.linkedin.com/e/-3nd027-gy2jbabc-5o/uDe7TYLEmJkdn9CW8KdqjSpjNQk7tIQlgH07Z1QAa_3/goo/notify-M3G22JTYCP%40disqus%2Enet/20061/I1992713227_1/?hs=false&tok=2R5C5BLtuUKl41
(c) 2012 LinkedIn Corporation. 2029 Stierlin Ct, Mountain View, CA 94043, USA.

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------

shenbrood said...

LinkedIn
------------


This is a reminder that on January 31, David D'Angelo sent you an invitation to become part of their professional network at LinkedIn.
Accept David D'Angelo's Invitation

----------