Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 3, 2011

Sen. Juan Miguel Zubiri resigns from Senate: Ano sa Palagay Ninyo?

Nagresign na nga sa kanyang posisyon sa Senado, si Juan Miguel Zubiri ng Bukidnon. Si Sen. Zubiri ay inaakusahang nakinabang sa pandaraya noong 2007 elections ng ika-13 na senador na si dating National Youth Commission Commissioner Koko Pimentel. Kasalukuyang nasa Senate Electoral Tribunan ang kaso at wala pa ring desisyon ukol dito. Ano ang inyong pananaw ukol dito?

"Without admitting any fault and with my vehement denial of the alleged electoral fraud hurled against me, I am submitting my resignation as a duly elected Senator of the Republic of the Philippines in the election for which I am falsely accused without mercy and compassion," sabi ni Sen. Zubiri.

Sa Tagalog, simple lamang ang gusto niyang sabihin na nagreresign siya pero hindi umaamin ng kahit anong kasalanan sapagkat ayon sa kanya siya raw ay walang kasalanan. Pero... kung wala kang kasalanan bakit ka magreresign?

Marami ang natuwa at nagsasabing isang karangalan ang pagreresign na ito ni Sen. Zubiri. Ikaw ba sang-ayon ka ba? Paano naman kung totoo ang pandarayang nangyari at alam niya ito? Maililigtas ba ng pagreresign na ito ang hindi magandang nagawa?

Sa personal na pananaw kung tunay sa kanyang puso ang resignation na ito ay tunay ngang kahanga-hanga pero ang lahat ng ginawa niya sa araw na ito ay malalaman lamang sa mga susunod na araw at taon. Pero sa isang banda wala rin naman tayong karapatang husgahan ang isang tao.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagresign ang isang Senador ng ating republika upang mapanatiling marangal ang institusyon at sabi nga ni Sen. Juan Ponce Enrile, ito ay isang bihirang pagkakataon. Bihira, sapagkat bihira rin ang taong iiwan ang kapangyarihan ng basta basta na lamang.

Ang tanong din sa huli ay nandaya nga ba siya? Sino nga ba ang nanalo, si Zubiri ba o si Pimentel? Makakaupo pa ba bilang senador si Koko Pimentel? Sino nga ba ang utak ng dayaan? ... at maraming iba pang tanong.

Ikaw? Ano sa palagay mo?

Para sa kabuuang ng Sen. Juan Miguel Zubiri resignation speech i-klik ang link na ito.




Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: