Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, December 19, 2011

Putang Ina Kayong Mga Illegal Loggers! Buhayin nga ninyo mga namatay!



Nalampasan na ng Bagyong Sendong ang bilang ng mga namatay noong Ondoy.  Halos umabot na sa 600 ang mga namatay sa mga flash floods sa Northern Mindanao at sa ilang bahagi ng Visayas at karamihan sa mga namatay ay mga bata.  Nakakalunos ang mga pangyayari at sasabihin na naman na dapat ay matuto sa mga pangyayari, pero ang tanong NATUTUTO NGA BA?

Nang bumaha at manalasa dahil kay Ondoy ay tila napaka aktibo ng mga training pero pansinin mo sa ngayon tila balewala na naman.  Barado ang mga estero at ang mga floodway ay di naman talaga nalilinis.  Bumili ng mga rubber boats at pagkatapos ay puro reject naman.  Ang katotohanan DI TAYO NATUTUTO!  Wala tayong natutunan sa mga pangyayari kasi karamihan sa mga opisyal at sa atin ay NINGAS KUGON!

May nangyari nang ganito sa Mindanao noon at ang sabi ay hindi na raw mauulit pero ang totoo wala namang ginawa.  Hinayaang patuloy na mag logging ang mga kawatan at walang pakialam na loggers sa Mindanao.  Mga putang ina nilang lahat sapagka't dahil sa kanilang pagwawalang bahala sa kalikasan ay daang-daang tao ang namatay!

Sino ang dapat sisihin?  Para sa akin dapat na ALISIN SA PWESTO ANG LAHAT NG OPISYAL NA NAKAUPO SA MGA APEKTADONG LUGAR!  Sila ang mga nagpabaya sa mga illegal loggers at sa mga nagwalang bahala sa maaring kahantungan ng trahedyang ito.




DAPAT AY TOTAL LOG BAN na sa Pilipinas!  Bigyan naman natin ng pahinga ang kalikasan.  Kung walang mamamatay, di naman natin ito papansinin.  LEAST PRIORITY yan ang ranking ng kalikasan sa mga government officials at pondo.




Di ba may batas na "Zero Waste Management" kung saan segregated dapat ang mga basura tapos may parusa sa mga opisyal na hindi susunod?  Dito nga lang sa amin sa Baliwag, Bulacan HINDI YAN SINUSUNOD.  Marami tayong magagandang batas na hanggang papel lang pero hindi naman nasusunod.  Binabayaran natin ang mga opisyal para yumaman sila at pagkakitaan tayo pero ang totoo karamihan naman sa kanila ay di tunay naghahangad na maglingkod.

Maibabalik pa ba ang mga buhay na nasawi kay Sendong?  Sige nga buhayin nyo mga bwaka ng ina kayo!

Gaya nga ng sabi ng isa nating kaibigan ... HOY GISING!

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: