Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, March 7, 2012

BADINGNATION: Masama o Mabuti?




"Badingnation," yan ang term na tawag ko sa napansin kong malaking pagbabago sa ating lipunan sa kasalukuyan na kung saan tila parami ng parami ang mga miyembro ng third sex partikular na amg mga gays at bisexuals.  Sa aking karanasan sa pagpunta sa mga paaralan ay ito ang isa sa napansin ko na tila sa isang klase ng hayskul ay hindi bababa sa 4 o higit pa ang mga gays.

Tinanong ko nga ang kasama ko kung bakit ganito ang nangyari pero maging siya ay walang maisagot.  Ano nga ba ang dahilan at may "BADINGNATION" na nangyayari?  Ito ba ay dahil sa kapaligiran o dahil na rin sa climate change?

May mga nagsasabi na ang pagbabago ng panahon at paglala ng polusyon ay nagiging sanhi ng deformity ng hormonal system kaya minsan mas maraming female genes ang napupunta sa isang lalaki.  Ito naman ang nagiging sanhi kung bakit nagiging feminine ang isang lalaki o kaya naman ay masculine sa kaso naman ng mga babae.

Pero tiyak na hindi papayag ang simbahan sa ganitong argumento.  Para sa kanila ang mga bagay na ito partikular na ang isyu ng LGBT ay isang isyung personal.  May isang pari pa nga na nagsabi na ito ay isang sakit na kayang gamutin.

Positibo ba o hindi ang pagdami ng LGBT (lesbian, gay, bisexual, transgender) sa lipunan?  Kung ako ang tatanungin wala naman sa gender o sexual preference ang issue sapagkat ito ay nasa kakayahan at pamumuhay.  HIndi dapat husgahan ang tao base dito.

Ikaw ba... kung ikaw ang tatanungin bakit nga ba tila dumarami sila?  Positibo ba ito o hindi?  Ano sa palagay mo?

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: