Header

Philex Mining Corp. (There's Life in Mining): The Greatest Lie

ShareThis


"There's life in mining," yan ang sabi ng commercial ng Philex Mining Corporation.  Gaano nga ba katotoo na may buhay sa pagmimina?  Sa isang deretsong salita kailanman ay hindi nagkaroon ng mabuting bunga ang pagmimina sa ating bansa.  Totoo na nagkakaroon ng kabuhayan ang mga tao pero kapag ubos na ang mina ang naiiwan ay isang wasak na kalikasan na wala nang pag-sa pang maibalik ang dating yaman.

Mapapansin naman natin sa komersyal pa lang ng Philex na tila abstract ang mga imahe.  Bakit?  Ito ay dahil wala namang malinaw na maipapakitang tunay na buhay sa pagmimina ang mga kompanyang ito.  Patag na bundok, polluted na lupa at mga sirang kalikasan at mga ilog o lawa... iyan ang bunga ng mining.


A destroyed river because of mining


Kung gusto nating may maidulot na maganda sa ating bansa ang pagmimina bakit hindi tayo na ang gumawa ng mga "finished products" ng mga produktong ito imbes na mag export tayo ng mga raw materials sa mababang halaga na pagbalik sa ating bansa ay ubod ng mahal.

Ang komersyal ng Philex Mining Corp. ang isa sa pinaka sinungaling na commercial na nakita ko sa telebisyon. Ikaw ba naniniwala ka ba na may buhay sa pagmimina?  Is there life in mining?

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



0 comments: