Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, August 15, 2012

Dahil sa TESDA, may CHOICE si Juan!

VOTE AND LIKE THIS ENTRY CLICK HERE
"Pagod ka na bang maging si Juan?"  Isang tanong na umuungkat sa pagkapagod ng karamihan sa ating mga Filipino dahil sa hirap ng buhay sa bansa.  Nakakpagod maging Pinoy at nakakapagod naman talagang maging si Juan, iyon ay kung di ka titingin sa mga positibong bagay sa ating bansa.  Pero, sa Edukasyon, nakakpagod ba?  Sa palagay ko hindi sapagka't dahil sa TESDA (Technical Educations and Development Authority), may choice na si Juan!  

"Weh? Di nga?

Magbasa ka kaya ng mga susunod na sasabihin ko para malaman mo...

Sa TESDA, may CHOICE si Juan! Dir. Joel Villanueva and TESDA Mobile Learning Center Bus
Photo from TESDA website Gallery
Baka sabihin nyo contest lang ito kaya pinapaganda ko, pero ang totoo man contest man ito o hindi ay matagal na akong impressed sa ginagawa ng TESDA.  Ang problema nga lamang madalas ay minamaliit ng karamihan ang mga technical and vocactional courses.  Hindi ba siya cool para kay Juan?  Mas cool ba na di nakatapos at walang trabaho?  Palagay ko mas cool yung nakatapos ka na tapos may work ka pa... di ba?

Panahon na upang mangarap at hindi mapagod dahil sa TESDA, may CHOICE ka na.  Makakpamili ka na sa mga kursong naayon sa iyong kakayahan o gustong patunguhan tulad ng automotive technology, computer technology, electronic technology, caregiver, nursing aide, hotel and restaurant management, electrician, plumber, welder, automotive mechanic, diesel mechanic, heavy vehicle operator.  

Hindi lang yun, nag ooffer din ang TESDA ng Foreign Scholarship and Training Program simula noon pang taong 2007.  Kasama sa programang ito ang mga short term, non-degree courses na iniaalok ng iba't-ibang bansa.  

Ang mga taining ni Juan sa TESDA ay "Hands-on" kaya madedevelop ang kanyang aktwal na kakayahan at bukod dito sa kanyang pagtatapos ay may pagkakataon siyang makakuha ng Skills Certification na binibigay ng ahensya.  HIndi dun nagtatapos, tutulong din ang TESDA upang makahanap ka ng trabaho lokal man o sa ibang bansa.  San ka pa?  Pagod ka pa ba sa lagay na yan?


Hindi lang dyan natatapos sapagkat noon lamang Pebrero 2012 ay sinimulan na ng TESDA ang Mobile Training plus (Park and Train) kung saan ang kailangan mo lang ay internet connection at sa wakas matututo ka na.  Tulad na lamang ni Jonathan Lozano na isa na ngayong computer technician dahil sa online training program at pagpasa niya sa tinataag na "National Competency Assessment."

"Kung ayaw maraming dahilan pero kung gusto maraming paraan," yan ang isa sa pinakasikat na kasabihang Pinoy at siguro naman hindi na tayo magdadahilan pa upang sabihin na hindi natin abot kaya ang edukasyon.

Sa ngayon ay may apat na online courses ang TESDA: Computer Hardware Servicing NC II, Room Attendant Servicing, Guestroom Attendant Servicing NC II, at Cellphone Servicing. 
Tamad na lamang ang hindi makakapagtapos sa ngayon o kung di man talagang may mabigat na dahilan para di makapagtapos.

Paano ba yan?  Pagod ka pa ba?  Siguro naman hindi na dahil napakaliwanan naman na "Dahil sa TESDA may CHOICE ka!"  At maliwanag din sa kabuuan ng sinulat ko na ito na TESDA=CHOICE.

Oh, bakit nandyan ka pa?  Tayo na at mag-aral!

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: