Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 9, 2012

RH Bill is not the cause of the heavy rains! Tanga ba?

Gaano ba katanga at kadesperado ang mga kumakalaban sa RH Bill para sabihing ang malakas na ulan at pagbaha sa Luzon at Metro Manila ay paraan ng Diyos para ipaalam na masama ang RH Bill.  "Heaven must be crying… we have to undo what has been done," iyan ang sabi ni Representative Mitos Magsaysay, sa Twitter.  Isang napaka insensetibo at para sa akin maling paggamit ng kalunos-lunos na mga pangyayari upang ipaglaban ang pananaw laban sa RH bill.

Bukod sa kanya isang dating entertainment writer pa ang nagsabi na ito ay ganti ng Diyos.  “God does not want this foolishness in Congress to continue, which is why He allowed rains and floods to happen. It is so that the RH bill will not be passed,” iyan ang sabi ni Ansel Beluso.

Tanga lang ba kayo o nagtatanga-tangahan?  Ang usapin ng RH Bill ay walang kinalaman sa mga nangyaring pagbaha.  Bumabaha sapagkat hindi sapat ang mga sistema na panlaban dito sa ating bansa at wala pa tayong sapat na kakayahan upang ayusin ito hanggang sa ngayon.  Patuloy na bumabaha dahil patuloy ang pagtatapon ng basura at pagwalang bahala sa kalikasan.

Maari pang sabihin na ang pagbahang ito ay ganti ng kalikasan dahil sa mga kalapastanganang ginagawa natin sa kanya pero ang sabihing dahil ito sa RH Bill ay ISANG MALAKING KATANGAHAN!

Gising gising!  Kasi baka mamaya kayo ang malubog sa baha dahil kasama sa sampung utos ng Diyos ang "DO NOT USE THE NAME OF THY GOD IN VAIN."

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: