Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, October 17, 2012

Bangsamoro: Daan Tungo sa Kapayapaan?



Bakit may tanong ang pamagat ng panulat na ito?  Ito ay simple, dahil sa huli ang mga kilos, aksyon at tayo mismo ang sasagot sa tanong na ito, na kunga ng BANGSAMORO nga ba ang daan tungo sa matagal ng minimithing kapayapaan ng ating bansa lalo na ng Mindanao.  Sa artikulong ito nais ko ring ibahagi ang ilang nasasaad sa 2012 Draft Framework Agreement on the Bangsamoro.

Ano nga ba ang 2012 Framework Agreement on the Bangsamoro?  Ang kasunduang ito ay nagsasaad ng mga hakbang na gagawin ng pamahalaan at ng MILF upang sa wakas ay makamit na ang kapayapaan.  Hindi ito ang pinal na magiging itsura ng kasunduan sapagkat ito lamang ang daang tatahakin upang makamit ang pinal na kasunduan.

Ito siguro ang dapat unang unawain ng bawat mamamayan at ng lahat ng gustong tumingin at magbigay ng opinyon ukol sa 2012 Framework Agreement on the Bangsamoro.  Sa isang mabilis na tingin ano ba ang mga unang dapat tandaan:
1.  Hindi ito isang bagong estado o bansa. 
2.  Ang Bangsamoro ay isang teritoryo na nasa loob ng Pilipinas at nasa pamamahala pa rin ng ating Pangulo. 
3.  Ang Bangsamoro ay isang sistema na kung saan bibigyan ng karapatan ang mga piling lugar sa Mindanao na magkaroon ng boses sa pamamahala ng kanilang lugar upang mabigyang buhay ang kanilang adhikain at kultura. 
4.  Ito ay isa lamang "guide" at hindi pa ito ang pinal na kasunduan.
Isinasaad dito ang pagtatayo ng isang bagong autonomous entity sa Mindanao na papalit sa ARMM at ito ay tatawaging Bangsamoro.

Sa katotohanan ang dahilan kung bakit kailangang palitan ang ARMM ay dahil sa mas malawakang pagbabago na may kinalaman sa istraktura at paraan ng pamamahala.  Hanggang ngayon ang ARMM ang mayroong pinakamahirap na mga lugar.  Ito ay dahilan sa patuloy na katiwalian at mismanagement na nangyayari sa lugar dhail na rin sa mga pulitikong walang pakialam sa mga kababayan natin doon.  Halos 90% ng pondo ang napupunta sa "personal services" kaya ang mga gawaing pagpapaunlad sa rehiyon ay napapabayaan.

President Noynoy Aquino sa kanyang pananalita sa pirmahan ng
2012 Draft Framework Agreement on the Bangsamoro
Sa Framework Agreement din na ito ay nakipagkasundo ang Moro Islamic Libreation Front (MILF) na abandonahin ang hangaring maging isang independent na bansa bagkus ay pumaloob sa Pilipinas at sa pangmatagalan ay magbaba na ng kanilang mga armas.

Marahil ay may mga magtatanong, ano ang kaibahan nito sa MOA-AD noong 2008?  Napakalaki sapagkat sa pagkakataong ito maliwanag pa sa sikat ng araw ang naging proseso.  Malinaw din ang prosesong kailangang daanan.  

May mga sinasabi rin na kailangan pa raw amyendahan ang Konstitusyon para mabigyang katuparan ang Framework Agreement pero sa katotohanan ang lahat ng nasasaad sa Framework Agreement on the Bangsamoro ay nakapaloob na sa ating Saligang Batas.

Anu-ano ang sakop ng teritoryo ng Bangsamoro?


Ayon sa 2012 Framework Agreement...
The Framework Agreement states: “The core territory of the Bangsamoro shall be composed of: (a) the present geographical area of the ARMM; (b) the Municipalities of Baloi, Munai, Nunugan, Pantar, Tagoloan and Tangkal in the province of Lanao del Norte and all other barangays in the Municipalities of Kabacan, Carmen, Aleosan, Pigkawayan, Pikit, and Midsayap that voted for inclusion in the ARMM during the 2001 plebiscite; (c) the cities of Cotabato and Isabela; and (d) all other contiguous areas where there is a resolution of the local government unit or a petition of at least ten percent (10%) of the qualified voters in the area asking for their inclusion at least two months prior to the conduct of the ratification of the Bangsamoro Basic Law and the process of delimitation of the Bangsamoro….”
Paano kung ayaw ng lugar na sumama sa Bangsamoro kahit na nakasaan na sila ay kasama rito?  Bago pa man maging pinal ang teritoryo ng Bangsamoro ay magkakaroon ng plebisito upang tanungin ang mga nakatira sa mga teritoryong nasasaad kung gusto nilang sumama o hindi at kung ayaw nilang sumama sa Bangsamoro ay igagalang ang kanilang desisyon.

Isa pa sigurong tanong ay pwede ba na may "parliamentary form" o "ministerial form" ng pamamahala sa ilalim ng isang presidential form?  Noong una ay tanong ko rin ito subalit maliwanag na walang nasasaad sa Saligang Batas na nagbabawal sa paraan ng pamamahalang tulad nito lalo pa at nasa ilalim pa rin naman ito ng Pangulo ng Pilipinas.

Sa napakatagal na panahon ito ang pinakamalaking hakbang tungo sa kapayapaan sa Mindanao kaya sana ay ating unawain at bigyan ng pagkakataon.  Panahon na ng kapayapaan... at ang panahong ito ay NGAYON NA.

May tanong ka ba, komento o saloobin ukol sa 2012 Framework Agreement on the Bangsamoro?  Wag mag atubiling magcomment sa artikulong ito.


Salamat sa pagbabasa!
 

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

1 comments:

Marc Kevin Frondozo said...

Gusto
mo ba ng online work?

Earn
while you enjoy time with your Family & Lovedones!

Email
me: tirade_uno_23@yahoo.com

For
more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/