Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, October 2, 2012

Cybercrime Law isang malaking katangahan! (Weh di nga?)



Si Sen. Tito Sotto na ba ang pinakatangang pulitiko sa buong mundo?  Ewan ko kasi tanong ko rin yan sa sarili ko.  Sinomg senador ang gagawa at magpapasa ng batas na nilalabag maging ang Konstitusyon ng ating bansa?  Ay, tanda ko na... hindi ba dapat si Sen. Sotto ang unang makulong dahil nagnakaw siya ng post sa internet at sinabi nya na sarili niyang speech yun?  Wow!!! ang galing mo Tito... idol na talaga kita kasi nakakatawa ka.

Dahil po sa post na ito ay maaari akong makulong ng higit sa 12 taon at hindi man lang ako makakapag piyansa.  Ang gara di ba?  Masama na pala ang magsabi ng nararamdaman mo kahit na totoo ito.  Hindi ba ang batas na ito ay pabod sa mga mayayamang pulitiko na takot mabuking ng sambayanan ang mga kagaguhan nila at kalokohan gamit ang internet at social media?

Paano naviolate ang ating Saligang Batas?

1.  Sa Cybercrime Law pwede nang tingnan ang ating mga private date at chat logs sa internet.  Opo, itatabi ng mga ISPs ang ating data ng hanggang 6 na buwan.  
1987 PHILIPPINE CONSTITUTION ARTICLE III, BILL OF RIGHTS Section 3. (1) The privacy of communication and correspondence shall be inviolable except upon lawful order of the court, or when public safety or order requires otherwise, as prescribed by law. (2) Any evidence obtained in violation of this or the preceding section shall be inadmissible for any purpose in any proceeding.Section 4. No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press, or the right of the people peaceably to assemble and petition the government for redress of grievances.
2.  Pwede tayo makasuhan ng libel sa simpleng pag like o pagshare sa mga social networks o di kaya ay pagpapahayag ng isang opinyon.
"No law shall be passed abridging the freedom of speech, of expression, or of the press. . ." -Section 4, 1987 Constitution

Ang paglabas sa Saligang Batas ay isang "impeachable offense". 
For purposes of impeachment, "culpable violation of the Constitution" is defined as "the deliberate and wrongful breach of the Constitution." Further, "Violation of the Constitution made unintentionally, in good faith, and mere mistakes in the proper construction of the Constitution, do not constitute an impeachable offense."
Teka, sandali lang eh paano yun hindi naman nila alam na bawal pala sa Saligang Batas yung ganun?  Hmmm... pero di ba sabi rin IGNORANCE OF THE LAW EXCUSES NO ONE.  So ibig sabihin hindi nila pwedeng sabihin na hindi nila alam kasi kaya nga sila inilagay sa pwesto na yan dahil marunong sila at may tiwala sa kanila ang mamamayan.

Nakakatawa lang na sa panahong ito habang gumaganda ang paglaban sa katiwalian ay biglang may mga sisingit na ganitong bagay.  Mga bagay na tila mapapatanong ka, "Nasaan nga ba ang utak nila?"  Maging si Sen.  Miriam Defensor-Santiago na isang "Constitutional Expert" ay lumagda sa Cybercrime Law o lumagda nga ba siya?  O dili kaya nabasa ba niya at alam niya na baka may mga isiningit ang ating Albert Einstein of Philippine Politics, Sen. Tito Sotto.


Sa totoo lang KAMATAYAN NG KALAYAAN ANG CYBERCRIME LAW.  So ikaw na nagbabasa nito kung may pakialam ka sumama sa REBOLUSYON PARA SA KALAYAAN NG INTERNET at LUMAGDA SA PETISYONG ITO (pakipindot po).

Wag nating payagan ang pagyurak sa ating karapatan (Uy lalim nun ah... at least di kasing babaw ng mga nagpasa ng Cybercrime Law di ba?)

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: