Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Wednesday, October 17, 2012

Losing Mindanao: A false claim to a peaceful solution to Mindanao


Ang artikulong ito ay sagot sa artikulo ni Ninez Cacho-Olivares na LOSING MINDANAO na lumabas sa The Daily Tribune, October 16, 2012.



Ang dapat sigurong unang itanong sa kanya ay kung nabasa na ba niya ang totoo, tunay at makatotohanang kasaysayang ng Pilipinas at ng Mindanao?  Sapagkat kung hindi pa ay dapat sigurong magsimula na siya na basahin ito.  Mga minamahal kong tagasubaybay sa blog na ito, dapat po nating malaman na simula pa lang naman talaga ang MINDANAO AY HINDI SA ATIN BATAY SA KASAYSAYAN NOON.  Ito ay kinamkam at inangkin labag sa loob ng mga naroroon sa isang prosesong tumagal ng mahabang panahon.  Subalit sa agreement ay MAKIKIISA SILA SA ATING BANSA BILANG IISANG FILIPINO SA IISANG PILIPINAS.

Ang mga kapatid nating Muslim na tinatawag noon na pirata ang siya lamang hindi nasakop ng mga kastila at maging ng mga Amerikano.  Ang lupang ito ang sapilitang isinama ng walang pahintuloy sa bentahan ng Treaty of Paris.  Ito rin ang lupang kinilala mismo ni Gen. Emiolio Aguinaldo bilang nagsasariling mga pamahalaan ng Sultanato ng Sulu at Sultanato ng Maguindanao.

Subalit dahil sa pananakop ng mga Amerikano ay nabalewala ito.  Sa panahon ni Quezon ay unti-unting nakamkam ang lupa ng Mindanao sa ilalim ng Homestead Program at nawalan ng pag-aari ang mga Lumads at katutubong Muslim.  At ito ang naging simula ng matagalang pakikipaglaban tungo sa pagkialala, paggalang at pabibigay ng pantay na karapatan at pagkilala rin sa mga lupang sa kanila naman talaga.


Ito ang mga mnaging konsideraston ng napakaraming peace agreements at sa ngayon nga ay humantong sa isang matagumpay na 2012 Framework Agreement on the Bangsamoro.  Ang Framework agreement na ito ay hindi naglalagay ng isang sub-state kundi  nagtatayo ng isang mas patas at mas representanteng autonomous region para sa mamamayang Bangsamoro.

Ano ba ang kinatatakot natin sa Framework Agreement?  Hindi ba dapat din nating tanungin sa ating sarili kung paano matatapos na ang pagbubuwis ng buhay sa Mindanao?  Sa isang kabila ano ba ang alam ng mga wala sa lugar na iyon para diktahan sila kung ano ang dapat at hindi para sa kanila?  Hindi ba sila dapat ang magsabi kung gusto nila o ayaw nila rito?

Ang hirap sa atin napakagaling natin maging kritiko na hindi na natin iniisip ang kapakanan ng iba.  Hindi perpektong pangulo si President Noynoy at ang tanong din ay tayo ba ay perpekto rin.  Ang 2012 Framework on the Bangsamoro ay hindi isang agreement na tulad ng sa Cybercrime Law na biglaan na lang pinasa at pinirmahan upang lagyan ng zipper ang ating mga bibig, ito ay dumaan sa napakarami at napakahabang proseso.

Wag nating hayaan na madungisan ang daan tungo sa kapayapaan ng mga komentong hindi naman muna natin pinag-aaralan.  Bigyan natin ito ng daan at tumulong tayo upang linawin ang anumang magulo sa ating isipan subalit wag natin itong husgahan at ibaaon sa lupa.

Basahin din ang artikulo kong, "Bangsamoro:  Daan Tungo sa Kapayapaan?"


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: