Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, December 13, 2012

PRO-LIFE ang Reproductive Health Bill



Ano ba ang meaning ng PRO-LIFE sa atin?  Ito ba ay ang karapatang magparami ng magparami o ito ba ay ang karapatang magbigay ng buhay, alagaan ang buhay at payabungin ng may dangal bilang tao?  Marami sa tumututol sa Reproductive Health Bill o RH Bill ay hindi pa naman nababasa ang batas, ikaw ba nabasa mo na?

Sa pangalawang pagbasa sa Kongreso ay nanaig ang YES sa HOUSE BILL 4244 sa boto na 113 YES - 104 NO - 3 ABSTAIN. Ang ultimatum at pinakamahalagang pagbobotohan ay sa susunod na linggo na.  Ngayon BAKIT KO NASABI NA PRO-LIFE ANG RH BILL?

Sa mga gustong basahin ang buong REPRODUCTIVE HEALTH BILL TEXT eto ang link http://rhbill.org/about/rh-bill-text/.

Ano ang mapapala natin pag naipasa ang RH BILL?

1.  Magkakaroon ng access ang mas nakararami sa Skilled Midwives meaning mas ligtas na panganganak para sa mga kababaihan.

2.  Emergency Obstetric Care, eh ano yun?  Ibig sabihin ay mas modernong pasilidad para sa mga ospital para tugunan ang pangangailangan ng mga nanay at magiging nanay pa lang anuman ang relihiyon nila o edad.

3.  Mas accessible na Family Planning methods and facilities para sa lahat.  Mahirap man o mayaman ay magkakaroon na ng pagkakataon na mabigyan ng access sa LIGTAS na pamamaraan ng pagpaplano ng pamilya.

4.  Mas mabilis, kumpleto at malawakang pagtugon sa mga crisis situation na pangkalusugan tulad ng Sexually Transmitted Diseases (STD), HIV/AIDS, mga komplikasyon sa panganganak at pagbubuntis at marami pang iba.

5.  Magiging "ESSENTIAL MEDICINES" ang mga modernong paraan ng family planning.  Ang ibig sabihin nito mas mababa at mas accessible sila para sa mga nangangailangan at nasa tamang edad syempre.

6.  Libreng serbisyong medical sa mga mahihirap na kababaihan ayon sa Sec. 22.

Eto yung isa sa pinaka kontrobersyal.  Sabi ng mga tumutuligsa sa RH Bill ay tuturuan daw ang mga bata sa murang edad ng "sex education."  Anu ba akala nila tuturuang makipagtalik ang mga bata?  Natural hindi1  Wag tayong maging literal... eto po ang ituturo ayon na rin sa batas.

SEC. 16. Mandatory Age-Appropriate Reproductive Health and Sexuality Education 

Age-appropriate Reproductive Health and Sexuality Education shall be taught by adequately trained teachers in formal and non-formal educational system starting from Grade Five up to Fourth Year High School using life skills and other approaches. The Reproductive Health and Sexuality Education shall commence at the start of the school year immediately following one (1) year from the effectivity of this Act to allow the training of concerned teachers. The Department of Education (DepEd), the Commission on Higher Education (CHED), the Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), the DSWD, and the DOH shall formulate the Reproductive Health and Sexuality Education curriculum. Such curriculum shall be common to both public and private schools, out of school youth, and enrollees in the Alternative Learning System (ALS) based on, but not limited to, the psychosocial and the physical wellbeing, the demography and reproductive health, and the legal aspects of reproductive health. 
Age-appropriate Reproductive Health and Sexuality Education shall be integrated in all relevant subjects and shall include, but not limited to, the following topics: 
(a) Values formation;
(b) Knowledge and skills in self protection against discrimination, sexual violence and abuse, and teen pregnancy;
(c) Physical, social and emotional changes in adolescents;
(d) Children’s and women’s rights;
(e) Fertility awareness;
(f) STI, HIV and AIDS;
(g) Population and development;
(h) Responsible relationship;
(i) Family planning methods;
(j) Proscription and hazards of abortion;
(k) Gender and development; and
(l) Responsible parenthood. 
The DepEd, CHED, DSWD, TESDA and DOH shall provide concerned parents with adequate and relevant scientific materials on the age-appropriate topics and manner of teaching Reproductive Health and Sexuality Education to their children.
Kung mababasa ninyo ang nasa itaas, ano po ang mali sa mga ituturo?  Mali bang turuan ng responsableng pakikipag relasyon ang mga kabataan sa panahong ito na halos batang-bata pa lang ay palit-palit na ng boyfriend at girlfriend?  Wag ninyong sabihin na hindi yung totoo.

Mali po bang turuan ang mga kabataan kung papaano lumaban at harapin ang diskriminasyon, pang-aabuso, teen pregnancy at iba pa?

Sa totoo lang ang mga bagay na ito lalo na ang tungkol sa sex ay matutututunan at matututunan ng mga bata kaya hindi ba mas mainam na matutunan nila ito sa tamang paraan?  Hindi ba mas mainam na wasto ang kanilang kaalaman kesa naman mag explore sila at sa huli ay malaman nila na mali pala sila?  Malalaman nila kapag may nabuntis na sila o buntis na sila?  Alin ba ang mas tama?

Tungkol naman sa Ideal Family Size na nasa Sec. 20.


The State shall assist couples, parents and individuals to achieve their desired family size within the context of responsible parenthood for sustainable development and encourage them to have two children as the ideal family size. Attaining the ideal family size is neither mandatory nor compulsory. No punitive action shall be imposed on parents having more than two children.

Maliwanag ang sinasabi dito na hindi ito sapilitan kundi ito lamang ay pamamaraan upang matulungan ang pamilya na makabuo ng isang masaganang pamilya na magkakaroon ng dignidad at maayos na pamumuhay ang bawat isa.

Dahil sa RH Bill ay mabibigyan ng pantay na proteksyon ang babae at lalaki at masisiguro din ang kapakanan ng pamilya.

(a) The medical and health benefits which workers are entitled to, including maternity and paternity leave benefits and the availability of family planning services;
(b) The reproductive health hazards associated with work, including hazards that may affect their reproductive functions especially pregnant women; and
(c) The availability of health facilities for workers.

Ngayon po mga kaibigan at kababayan ano po ang masama dito?  Ano po ang labag sa relihiyon o sa patnubay ng Diyos?  Bawal po bang pangalagaan ang kapakanan ng pamilya?  Saan po sa Banal na Aklat nasusulat ang mga pagbabawal?

Pakipaliwanag naman po?

Ikaw ba?  Pabor ka ba o hindi sa REPRODUCTIVE HEALTH BILL?



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: