Header

Congress on Copyright and IP Infingement: TANG INA THIS!

ShareThis


Bakit kaya di na lang gibain ang Kongreso?  Di ko maintindihan kung ano na naman ang lumukob sa mga nakaupo sa Kongreso ng aprubahan nila ang "Consolidated measure amending RA 8293," na pinadala nila sa Malacanang para sa pirma ni PNoy noong January 29, 2013.  Sa ilalim nito ay tinatanggalan na ng karapatan ang mga Pinoy na nasa abroad na mag-uwi sa bansa ng mga libro, DVD, pelikula at iba pa na nabili nila sa ibang bansa.  Ang dahilan, "Intellectual at Copyright Infringement" daw.  Ano?  TANG INA THIS!

Pinagbabawal na rin ang "jailbreaking" o ang pagtanggal ng restriction sa mga devices tulad ng Apple upang mas mapabuti at mas maging malaya ang paggamit ng mga apps dito.  Pinapalawak din nito ang mga taong pwedeng kasuhan ng copyright infringement.  Halimbawa kumopya ka o pinadalhan ng kanta ng kaibigan mo na nadownload nya sa internet, ikaw ay pwede na ring kasuhan.

Ang penalty?  Minimum na P150,000 at pagkakulong na 9 na taon at humigit kumulang na 1.5 Million pesos na penalty sa ikatlong pagkakahuli at pataas

Ayo sa kanila matagal na raw na bawal ang pagdownload ng music sa internet ang problema may tinatawag itong qualifying clause, "it becomes illegal only when it is used in a manner that infringes intellectual property rights.”.  Pero kung hindi naman walang kaso dapat dito.


Habang tumatagal ang internet ay nagiging "highly commercialized".  Isang lugar na kung saan pera na rin ang umiiral at kung wala kang pera ay wala ka ring mapapala.  Intayin lang natin ang ilang taon at ang tinatawag na FREEDOM OF INFORMATION online ay magiging Pay-per-view information na.

Imbes na gumawa ng mga batas para sa ikauunlad ng bansa at iangat ang karaniwang tao sa kahirapan ay tila mas ninanais pa ng mga nakaupo na pahirapan lalo ang karaniwang Pinoy.

Sa totoo lang mabibilang mo lang din naman kung sino ang mga nakakaintindi at may malasakit sa mga mamamayan.   Di na nga pala tayo dapat magtaka kasi nga di ba ipinasa din nila ang Anti-Cybercrime Law na nilagyan pa ng libel clause ng ating Magna Cum Laude ng Senado na si Senator Tito Sotto.  Di kaya naSotto na naman ang batas na ito?

Bago tayo magkaSOTTOHAN, ang masasabi ko lang dito - TANG INA THIS!

Para sa karagdagang kaalaman ukol dito bumisita sa http://www.abs-cbnnews.com/blogs/insights/02/14/13/congress-erased-every-filipinos-right-bring-home-music-movies-and-books-abr.

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



0 comments: