Header

Ang Sabah Standoff, ang Bangsamoro Framework Agreement at si Juan

ShareThis

Sa nakaraang apat na buwan napakaganda ng mga balita tungkol sa kapayapaan, sapagka't sa wakas ay tila andyan na ang matagan nating hinahangad na peace agreement sa pamamagitan ng Framework Agreement on the Bangsamoro.  Noong Oktubre 15, 2012 nagdiwang ang buong bansa subalit ngayong Marso 2013 tila nagulat ang buong bansa at alam ko marami ang nagtatanong, nag-aalangan, nadidismaya at nagugulat.  Bakit? Dahil sa Sabah Standoff.


Ang isyu ng Sabah Standoff din ang isa sa naging tanong na mahirap sagutin sa dinaluhan kong "Isyu at Kape sa Bulacan State University" na kung saan ako ang naging speaker ukol sa Bangsamoro Framework Agreement.  May nagsabi pa nga na ang nagdaang administrasyon daw ay tila nasa likod din ng Sabah Standoff.  

Sa nagdaang linggo tila iisa ang laman ng mga balita ang SABAH STANDOFF na kung saan mahigit 20 Filipino na ang namamatay at kulang na 10 na Malaysians.  Nagkaroon ng standoff matapos pumunta sa Lahad Datu ang may 100 follower ni Sultan Jamalul Kiram III ng Sulu.  Hindi maliwanag ang dahilan subalit sa mga nagdaang araw ay tila malinaw na ang pagbawi sa Sabah ang pakay ng mga ito.  Armado sila at ayaw bumalik sa PIlipinas kahit na nakikiusap na ang ating Pangulo.

Sa kanila raw ang Sabah at handa raw silang mamatay.  Paulit-ulit yan na paninindigan ng kanilang sultan na ang buong akala ko ay kasama nila sa Lahad Datu subalit ito pala ay nasa Taguig City, Metro Manila.  Kaya pala SILA lang ang handang mamatay dahil hindi siya kasama doon dahil nasa Manila siya.


Ako, naniniwala ako na sa atin ang Sabah pero ang ginawa ng mga tauhan ni Sultan Jamalul Kiram III ay mali, hindi napapanahon at paglabag na rin sa batas ng ating bansa at paglapastangan sa respeto sa ating Pangulo at sa mga institusyon ng lipunan.  Kung ako ang papipiliin HIGH TREASON ang pwedeng ikaso sa sultan at sa mga tauhan nito dahil sa gulong kanilang sinimulan at sa paglalagay sa buong bansa at sa mga Filipino sa isang delikadong sitwasyon.

Nakakainis lang na ang ilan nating mga kapwa natin Filipino ay nais pang sisihin ang Pangulo, paratangan siya ng kung anu-ano kaysa suportahan ang kanyang mga desisyon at paninindigan.  Tila ang tatapang ng mga sumisigaw na dapat daw bawiin na ang Sabah, as if naman kaya nating tapatan ang lakas ng Malaysia.  Sige nga... ang mga eroplano natin di pa lumilipad eh bumabagsak na tapos ang ating mgha barko eh sa bagal daig pa ng mga bangka ng mga mangingisda.  Sobrang tapang na hindi man lang nag-iisip ng tama.

Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung bakit nga ba nangyayari ang mga ito?  Sino ba ang makikinabamg sa lahat ng mga pangyayaring ito?
Tingnan natin ang ilang katotohanan sa isyung ito:
  • -  Ang Malaysia ang third party observer sa peace process sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.
  • -  Tahimik ang MILF at tila wala pang official na statement.
  • -  Patuloy na binabatikos ng iba't-ibang grupo si Pangulong NoyNoy.
  • -  Paparating na ang halalan sa Mayo.
Thousands of Moro National Liberation Front (MNLF) members, who signed a peace agreement with the Philippine government in 1996, display their weapons during a rally on the volatile island of Jolo in southern Philippines. Nur Misuari, who founded the Moro National Liberation Front in the late 1960s, confirmed "freedom fighters" from his group were part of the militia sent by a self-proclaimed sultan to claim the Malaysian state of Sabah. -- FILE PHOTO: AP

Sa mga sitwasyon at katotohanang yan, tanungin natin ang ating mga sarili kung sino ang may motibo para ilunsan ang ganitong senaryo at ano nga ba ang mapapala ng bawa't isa.  Nakakalungkot isipin na dahilan dito ay tila mas magiging mahirap (pero wag naman sana) ang pagpapa-unawa sa taumbayan at sa kongreso para suportahan ang Bangsamoro Framework Agreement.

"Kung di nga kayang sumunod ng isang grupo na wala pang kapangyarihan at mandato paano pa iyong may kapangyarihan na at mandato?"

Isang tanong na maging ako ay walang maisagot.  Paano nga ba?  Dapat ba nating ikumpara ang aksyon ng grupong ito sa maaaring maging kalagayan kapag naitayo na ang Bangsamoro?

Mataas pa rin ang aking respeto at pag-asa na susuportahan ng taumbayan at ng Kongreso ang Basic Law para mabuo ang Bangsamoro.  Naniniwala pa rin ako na hindi magiging dahilan ang Sabah standoff para mauwi na lang sa wala ang magandang bunga ng MILF-GPH peace agreement.

Ikaw ba ano ba ang palagay mo?


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Related Posts by Categories



2 comments:

Michael said...

Ang problema kasi sa gobyerno natin lalo na yung kilos ni Pnoy parang nilagay nya sa alanganin ang mga pilipinong muslim. Kung nakipag-ugnayan sya sa mga Kiram at binigyan ng maganda plataporma di sana sila nakaranas ng air strike. Mula kay Marcos, Cory, Ramos at Arroyo may plano na yan. Pero unique si Pnoy siya lang yung umatras sa claim ng Datu ng Sulu na kung tutuusin regalo ng Hari ng Brunie nung 17th century pa. Wala namang matibay na kasulatan ang Malaysia na kanila yung Sabah. Paano pa dadaanin sa usapan yun eh sa tabinging desisyon. Binobomba na ang Pilipinong Muslim natin.

Rick Duavit said...

Talagang si President Aquino natin minsan ay walang pokus sa mga isyung dapat tuunan ng pansin tulad nito. Kadalasan ay mabagl siyang rumesponde, hindi ba? Kaya noong agad agad siyang umaksyon at nagtungo sa Serendra nitong kamakailan lamang, labis akong nagulat. Bakit ngayon parang ang bilis ng aksyon niya? Parang kidlat. Kung matatandaan mo wala siya sa noong nagkaroon ng hostage taking sa Quirino Grandstand at pati noong bagyong Sendong.

"To be sure, there were other incidences of greater national importance that the President didn’t personally show himself in — which is not to say that the Serendra 2 blast, being located in a premiere elitist enclave is less important."

http://ph-underground.com/2013/06/05/why-was-president-noynoy-aquino-at-the-serendra-two-blast-site/



Nakakapagtaka, hindi ba? Kapag sa mayayamang katulad ng mga Ayala, agaran ang aksyon niya. Kasama pa si Mar Roxas.