Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 16, 2013

Bawal Magshoot Dito! (No Shooting Here): Only in the Philippines


Naaalala ko noong nagshoot kami para sa "Happiness" segment ng Kapuso Mo Jessica Soho sa UP Diliman ay biglang may  nagpaalis sa amin na guard at ang sabi nya ay bawal daw mag shoot doon.  Nagtataka lang ako hindi ba public area yun at ang may-ari ay ang taong bayan?  Kung ganun bakit bawal magshoot doon?

Tila hindi lang ito sa UP Diliman nangyayari dahil maging sa Luneta Park o kaya sa Makati ay bawal ding magshoot ng basta-basta.  Ano ba talaga ang policy dito?  Kailangan ba may bayad o may permit pa bago magshoot?  Ano ba ang patakaran sa mga indibidwal na "for personal use" ang gamit at sa media for example.

Ayaw kong maghusga pero tila sa ating bansa ay isa sa pinakamabigat na gawain ay ang magshoot lalo na sa Manila.  Palagi na lang bibida ang mga guards at sasawayin ka at sasabihing BAWAL MAGSHOOT!  agaya na lang ng kaso na ito sa Bonifacio Global City na ung saan ay sinigawan at hiningan ng P400.00 ang isang photographer bago makapagshoot.  Makatarungan ba ito?  Bakit tila hindi rin pantay ang pagtrato kung mayroon mang patakaran ukol dito at bakit ayaw niya ipakita ang "house rules."


Salamat na lang din at may samahan na tinatawag na BMSD o Bawal Magshoot Dito na naglalayong pagandahin at alisin ang sistemang ito sa mga pagkakataong hindi naman dapat.

Layunin ng grupo na:

1.  Raise awareness on the issue of location accessibility through various activities both tactical and strategic.
2.  Provide a forum where relevant and pertinent matters can be shared and discussed.
3.  Provide a forum and network to search for solutions to the matter.
4.  Act as a repository of information/data and experiences on the matter.
5.  To foster camaraderie and unity amongst practitioners of the craft and as well as other crafts related and affected by the issues.
6.  To raise awareness that the industry and photographers/artists are dynamic contributors to the country's economy and development, and therefore should be given due attention in matters of legislation.

Ayan, English kaya na nosebleed tuloy ako pero alam ko naman na maganda yan at dapat nating suportahan.

Kayo ba ano sa palagay nyo?

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

5 comments:

el toro bumingo said...

Marami na pong naloko ang BMSD. Wag ka na pong dumagdag sa mga naloko nila: http://eltorobumingo.blogspot.com/2012/07/my-bad-experience-with-fb-group-bawal.html

shenbrood said...

Ano po bang panloloko ang ginawa nila? Kaya mo ba itong patunayan?

shenbrood said...

I have read your blog post and thanks for his sharing of opinion. It provides a different perspective to this perception. We do hope that truly our country will be for its people. I am also an activist but in doing so I always find solutions for our problems.

el toro bumingo said...

Panloloko in a sense na, they are telling people na bawal mag-shoot sa Luneta and Intramuros when in fact it's not (for personal use only). They are masquerading as advocates of hobbyist to shoot in public places when there is no fee to begin with. They're only using the newbies and hobbyist for their agenda -- which is to do commercial shoots on these places without paying any fee since most of its leaders are into wedding photography.

shenbrood said...

Kailangan ba talaga may bayad sa public places whether commercial or not?