Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, July 26, 2013

DepED Respeto sa Relihiyon asan na? (Philippine Muslim teachers told to remove veils)


Nagulat ako sa balitang bumungad sa akin habang nagbabasa ako ng Pilipino Star Ngayon noong isang araw at ngayong araw na ito mas nakita ko pa ang balita, "Philippine Muslim teachers told to remove veils."  Bakit mo uutusan ang mga miyembro ng isang relihiyon na magtanggal ng isang bagay na parte ng paniniwala niya para lang masabing maimprove ang teacher-pupil relationship?  Ito ba ay nararapat? 


Sa halip na pagtuunan ng pansin ang sangkatutak na kakulangan ng textbook, ang mga unreasonable school fees, kakulangan ng silid aralan ay ito pa ang direktibang gagawin.  Hindi ba nakakatawa?  Nabasa ko rin sa artikulo na tila nais ng DepED na palaganapin ang religious tolerance kaya nga hindi na bawal magsuot ng veil ang mga estudyanteng Muslim sa loob ng paaralan... yun ay estudyante pero ang mga guro ay bawal.
Isang fashion-style Hijab

Ang Hijab o "veil" ay isang katungkulang pangrelihiyon ng mga babaeng Muslim at ito ay naaayon sa Koran.  Kung kaya nga't ang hindi pagsunod dito ay isang pagtalikod sa kautusan ni Allah.  Kung mali man ako sa pagkaintini ko dito ay maaari namana kong tumanggap ng inyong opinyon.  (Basahin ang tungkol sa Hijab)

Kahit hindi ako PhD ay alam ko bilang isang mag-aaral na wala sa pagtatanggal ng veil ang solusyon sa bumababang kalidad ng edukasyon.  Aking sasabihin ang nakikita ko base na rin sa mga guro ng tatlo kong anak na nag-aaral ng high school:

1.  Late madalas ang ilang teachers.
2.  Kulang sa mga kagamitan ang mga paaralan.
3.  May mga teachers na di alam ang tinuturo at minsan nga ay mali pa.
4.  May ilan naman na napaka "bookish" at pag nag-isip ng bagong method ang estudyante kahit tama ang sagot ay sasabihing mali.
5. Walang mabasa ang estudyante kase walang textbook.  Ang solusyon magbayad ang estudyante, magpaphotocopy ng bawat module.  Ang galing di ba!
6.  Kulang sa classroom at may mga estudyanteng nag-aaral sa gym, sa init ng araw or sa silong ng mangga.

Siguro marami pa kayong maidadagdag dyan at IYAN ANG PROBLEMA KUNG BAKIT BUMABABA ANG KALIDAD NG EDUKASYON, HINDI ANG PAGSUSUOT NG VEIL NG MGA GURONG MUSLIM!


Sana kahit isa tayong Kristiyanong bansa ay matuto tayong rumespeto at maging sensitibo sa relihiyon ng iba anupaman ang katayuan nya o estado sa buhay.  

Maraming salamat sa inyong pagbabasa.  Maaari po kayong magbigay ng komento o opinyon pakipindot na lang ang "Comment" sa blog na ito. 

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: