Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 30, 2013

Joselito Sevilla: Ang Iyaking Pulis (The Crying Cop)


Si PO1 Joselito Sevilla ay isang iyakin!  Isa siyang iyaking pulis!  Nakakahiya para sa kanyang hanay ang kanyang ginawang pag-iyak.  Isa itong pagpapakita ng kahinaan bilang isang pulis.  Dapat siyang patalsikin sa pwesto at hindi na makabalik pa!
Weh?  Ganun ba yun?  Di nga?

Sa gitna ng marahas na dispersal at protesta sa may Batasan Complex ay isang pulis na nagngangalang Joselito Sevilla ang nagtataas ng kamay na may simbulo ng kapayapaan.  Tila ba sinasabing iisa ang ating lahi, kaya wag tayong magkasakitan.

Photo from www.abs-cbnnews.com

Ginutom, di pinagpahinga at di pinatulog ang mga pulis para lamang magampanan ang kanilang tungkulin.  Well, di ko maintindihan kung bakit di sila pinatulog, pinakain at pinagpahinga, kasi kung ganun di ba mas manghihina sila?  Hmmmm... logic di ba?  Anyway, ayun nga at sa gitna ng lahat ng iyon ay masugid pa rin nilang ginampanan ang kanilang tungkulin.

Isang private si Joselito Sevilla.  Kabilang siya sa may mababang ranggo sa kapulisan pero sa kabila noon ay tila isang asal ng pinakamataas na opisyal ang kanyang pinakita.  Ipinakita niya ang tunay na simbulo ng misyon ng isang pulis, ang magpanatili ng kapayapaan.  Sa gitna ng lahat ng ito ay napaiyak ang ating bidang pulis, tila tinatanong sa kanyang isip kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito.

"Sa gutom at pagod. Walang tulog. Walang pahinga. Dalawang araw na kami naka-deploy dito. Tapos ganito, nagkakagulo."
Iyan, ang sinabi ni PO1 Joselito Sevilla ng tanungin siya sa isang interview ng ABS-CBN (basahin ang "The story behind the crying cop").  Dahil sa ganitong nakita ay tila naramdaman din ito ng mga ralyista at dumamay sa kanya subalit kabaliktaran ang ginawa ng kanyang mga kasama.  Sa halip na makita ang mensahe sa reaksyon ni PO1 Sevilla ay inalis siya sa hanay at hindi na nakita pa.  Sila ba ay nahiya sa pinakita ng kanilang kasamahan?


Sabagay, maaari namang tama rin ang naging desisyon sapagkat siguro ay pinapahinga muna siya.  Pagkatapos ay pagsasabihan ng, "PO1 Sevilla!  What the hell are you doing there? We are not supposed to do that!  Do you understand the words that are coming out of my mouth?"

Para sa iyo kaibigan, ANO ANG MASASABI MO SA GINAWA NI PO1 JOSELITO SEVILLA?

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: