Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, July 2, 2013

JUAN GUTOM... Coming Soon


Wow! Ang daming matataas na building!  Halos puro building na sa paligid at ang gaganda,  Iniisip ko tuloy pwede kaya kainin ang mga yan?


Naisip na ba ninyo na karamihan sa mga subdivision at mga dinedevelop bilang residential units at building ay mula sa mga dating palayan at mga lugar na pwedeng taniman ng pagkain.  Subalit, sa kabila na paunlarin ang mga ito ay hinayaan nalang mawala at palitan ng mga napakasasarap at makakain talaga sobra na mga gusali.  Ano kaya putahe masarap dyan? 

May naaalala nga ako na isang kasabihan na malalaman lang daw ng tao na hindi nya pwedeng makain ang pera kung wala na ang lahat sa kanya at wala na syang makakain.  Sa ating bansa na kung saan minamaliit ang mga mangingisda, magsasaka at iba pa halos lahat sila ay gustong makaahon daw sa hirap at magtrabaho sa mga opisina.  Ayaw na nila na magtranaho sa bukid at sa taniman sapagkat ito raw ay kahirapan.


Kahirapan nga ba ang mga ito?  Hindi ba ang isang lugar na mayaman sa likas na yaman ay tunay na mayaman?  Ang mga bagay na ito ay magpapanatili ng isang malusog na katawan at pamumuhay samantalang ang mga pumapalit dito ay magdadala ng gutom, polusyon at iba pang bagay.

Hindi naman ako tutol sa pag-unlad ang sa akin lang siguro ay sana naman wag nating hayaan na dumating ang pagkakataon na wala na tayong mapapagkunan ng pagkain.  Huwag nating hayaan na palitan ng mga bagay na ito ang tunay na mahalaga sa ating pang araw-araw na buhay.


Sapagkat... sa mga nangyayari ngayon asahan nating ang pelikulang JUAN GUTOM.

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: