Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, August 30, 2013

Si Mocha, ang Condom, Safe Sex at ang Madre



Matino pa ba ang pag-iisip ni Mocha?  Sa ginawa nyang kampanya para sa "safe sex" na nakita ng buong Pilipinas tila isa siyang babaeng sinapian ng demonyo.  Kung napanuod ninyo yung madre sa American Horror Story Season 2:  Assylum parang ganun ang itsura nya rito.

Wala namang masama sa paggamit ng condom at sang-ayon naman ako dito.  Sa totoo lang naniniwala ako na hindi abortifacient ang condom at hindi kasalanan ang paggamit nito.  Sobra lang sensationalized ang isyu at sobra itong nilalagyan ng religious implications ng simbahan.

Sa panahon ngayon sobrang kailangan din ang safe sex.  Kahit sabihin pa natin na immoral ang pre-marital sex, same sex at pakikipagtalik sa iba't-ibang partner eh hindi naman natin ito kayang ipagbawal sa lahat.  Kaya nga tungkulin ng estado na protektahan ang mamamayan sa mga posibleng sakit na maaaring ikalat ng mga gawaing ito.  Ang tungkuling ito ang dapat maintindihan ng simbahan.

Sa kabuuan ang pagdadamit ni Mocha bilang isang madre habang pinapalobo ang isang condom ay imoral, insensitive at isang malaking kabastusan sa bawat Filipino.  Sa totoo lang hindi na ito nakakatuwa at sana naman ay may magpataw ng kaukulang parusa sa kanya o may sumampal sa babaeng ito para matauhan.

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: