Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, March 24, 2014

Sa Wakas, KAPAYAPAAN SA MINDANAO! #SelfieForPeace



Ngayong umaga lalo napaganda ang gising ko ng aking mabasa sa Rappler na magkakaroon na pala ng pirmahan para sa GPH - MILF peace agreement sa MindanaoTuloy na tuloy na ang Bangsamoro Framework Agreement at sana ito na nga ang susi.  Sa sobrang saya ko ay napasali agad ako sa #SelfieForPeace ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) at Rappler.

Alam ko na marami parin ang kontra sa kasunduang ito tulad ni pareng Nur Misuari at ng mga bitter ampalaya na Bangsamoro Freedom Fighters.  Pero, ang tanong ano nga ba ang nagawa nila sa panahon ngayon para sa tunay na kapayapaan?  Tama ba na malagay sa panganib ang mga tao para lamang sa ipinaglalaban?

Sa aking paglilingkod bilang miyembro ng PeaceTech ay aking natutunan na ang Kapayapaan ay hindi lang isang salita o kahahantungan kundi ito ay isang pamumuhay.  Ang mismong relihiyong Islam at Kristiyanismo ay nagkakaisa sa pagsasabing pinakamahalaga ang kapayapaan at pagmamahalan.

Noong magkaroon ng Bangsamoro Framework Agreement ay nagsulat na ako ng aking opinyon ukol dito sa artikulong, "Bangsamoro:  Daan Tungo sa Kapayapaan."  Doon, simple lamang ang aking hiling na bigyang daan natin ang kapayapaan.

Sa mga di pa nakakaalam kung ano ang kasunduang ito, ay ating malalaman ang kabuuan sa Marso 27, kung saan lalagdaan na ang pinal na kasunduan.  Subalit, hindi pa ito natatapos dito sapagkat marami pa ang susunod na hakbang.  Anu-ano ang mga ito?  Panuorin ang videong ito mula sa PeaceTech.


Dahil mahalaga ang kapayapaan ay akin na rin kayong iniimbitahang makiisa sa #SelfieForPeace, di ka lang nakiisa sa kampanya para sa kapayapaan baka magka cool shirt ka pa mula sa OPAPP.  Kaya #SelfieForPeace na!


Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

2 comments:

Marc Kevin Frondozo said...

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!

For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/

Marc Kevin Frondozo said...

Gusto mo ba ng online work?

Earn while you enjoy time with your Family & Lovedones!

Email me: tirade_uno_23@yahoo.com

For more details, kindly visit http://www.unemployedpinoys.com/