Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Monday, June 30, 2014

The Philippine Justice System, The Pork Barrel Scam, Napoles and the Ordinary Juan



Nasampahan na ng kaso sina Sen. Jinggoy Estrada, Sen. Bong Revilla at Sen. Juan Ponce Enrile dahil daw sa pagkakadawit nila sa Pork Barrel Scam.  Ang mga testimonya ay karamihang mula sa "state witness" na si Jannette Lim Napoles.  Iniisip ko lang kung bakit habang kinakasuhan ang mga senador ay tila VIP naman si Napoles, sino ba ang mas nagpasarap sa kanila?  Ang mga senador ba o si Napoles? May saysay pa ba ang hustisya sa Pilipinas?  Ikaw ano sa tingin mo?  May pag-asa pa ba?

"Justiis," yan daw ang tawag sa hustisya sa ating bansa.  Tiis-tiis muna at swerte ka kung magkakaroon ng hustisya ang kaso mo.  Ilan na bang kaso ang ating nabalitaan sa TV at naging sensationalized sa pagdakip, pagsampa ng kaso at paglilitis pero ang malaking tanong kailan pa tayo nakabalita na nakulong at nagkaroon ng hustisya ang mga kasong ito.

Ano sabi nyo? Yung kay Erap?  Eh asaan ba si Erap ngayon, hindi ba Mayor pa siya ng Maynila?

Ilan na ba ang nadawit sa pangungurakot at ilan na rin ba ang nakulong?  Si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo nga eh tila makakalusot pa sa patong-patong na kaso.  Hmmmm... paano kaya kung isang ordinaryong empleyado ng gobyerno ang nahuli?  Tiyak na mabilis pa sa alas kwatro na tanggal sa pwesto at may press conference pa ang departamentong iyon para ipagmalaki na napakalinis nila.  Ganyan tayo eh!  Ang astig di pa at ang tuwid ng daan?



Eto ang iba pang sangkot sa Pork Barrel Scam, ilan kaya sa kanila ang makakasuhan?



Anumang ingay ng kaso ng mga senador sa Pork Barrel ay wala ring mangyayari kasi gaya ng mga dating kaso mapapawalang sala sila, makakalaya at mananalo ulit.  May sakit kasi ang karamihan sa atin eh.  May tinatawag tayong "acute memory loss."  Opo, dati mild lang yan pero ngayon acute na.  Ang cute cute kasi ng mga Pinoy, mahilig sa sensationalization tapos makakalimutan ang lahat at titilian pa ulit ang mga senador na yan.

Si Sen. Juan Ponce Enrile bago naging bayani ng EDSA ay isa sa kilalang nagpatakbo ng Martial Law at involve sa Human Rights Vilation, tapos nung may pagkakataon at alam na tagilid na si Marcos, ayun nag artista at naging si Sylvester Stallone sa pelikulang "Ramborile".  Oh di ba bida si tatang, lusot!  Tumakbong senador at nanalo, tapos nagtangka sa Presidente pero kulelat kaya nagsenador na lang,  Magaling naman siya kung tutuusin kaso yun nga lang kumbaga sa mafia eh isa sya sa big boss.

Naaalala ko yung isang kaso ng isang kakilala ko na napagbintangan sa salang pagpatay pero wala namang kasalanan.  Dinampot at ikinulong at ilalabas lang kapag nailabas na yung tunay na may sala.  Habang nasa loob ng preso binubugbog, binabayaran ang mga pulis kada dalaw, nagkabayaran sa piskal at testigo at dahil sa sakit ay namatay ang kaawa-awang bata na wala pa man lang 20 years old.   For dismissal na raw ang kaso, eh ano gagawin patay na?  Mabubuhay pa ba yun?

Ang Filipino Justice System ay tila pinapaikot ng pera at koneksyon dahil kapag mayroon ka ng dalawang ito, tiyak na makakalusot ka gaanuman kabigat ang iyong kasalanan.  Ang daming nababalitaang narape, nahazing at kung anu-ano pa pero may nabalitaan ba tayo na nahuli at nakulong?  Tila may kasalanan rin ang media kasi interesado lang sila sa mga negatibong balita at walang follow-up kapag nakulong na ang mga may kasalanan.  Kaya sa mga mata ng mamamayan eh walang nangyayari sa mga kasong ito.



Nasa isa tayong malaking circus at telenobela sa bawat kasong nakikita natin.  Ang mga kasong ito ay may drama, katatawanan at kung anu-ano pa.  Pati nga paggawa ng loom band eh idinamay pa ng isang senador.

Ibabalik ko kayo sa ating unang mga tanong - May saysay pa ba ang hustisya sa Pilipinas?  Ikaw ano sa tingin mo?  May pag-asa pa ba?



Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: