Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Thursday, August 28, 2014

BSU Field Trip Tragedy (Bulacan River Tragedy): Ang Aking Opinyon


Sinabi sa akin ng aking pinakamalapit na kakilala na huwag nang magsulat ukol dito sapagka't sensitibo ang isyu pero naisip ko na hindi ba ang "purpose" ng blog na ito ay ang magbigay opinyon sa mga napapanahong isyu.  Kaya eto ang aking opinyon ukol sa BSU Field Trip Tragedy o Bulacan River Tragedy na kung saan 7 estudyante ang namatay dahil sa pagkalunod pagkatapos umapaw ng tinatawiran nilang ilog.


Una, ay naniniwala ako na aksidente ang nangyari at walang sinuman ang may gustong may masawi.  Hindi ginusto ng paaralan ng BSU, ng mga guro, mga estudyante at kahit na sino na may malunod sa field trip ng mga tourism students.  Nagkataon na lumakas ang ulan, umagos ang tubig at naipit ang mga mag-aaral sa gitna.  Isang aksidente na naghatid ng kilabot sa lahat.

Bago ako magbigay ng aking opinyon ay atin munang panuorin ang ilang video na mapapanuod ukol sa BSU Field Trip Tragedy (Bulacan River Tragedy):

BSU Field Trip Tragedy Similar to Few Moments Before Tragedy Patalpani Accident, Indore India




Juvie Anne Enriquez's Video Accounts Bulacan River Tradgedy




Isa sa mga nalunod habang nasa field trip sa Bulacan, nagparaya



Eto ang aking mga tanong:

1.  Bakit hanggang gitna lamang ang lubid na hawakan habang tumatawid sa ilog, hindi ba dapat ito ay mula simula hanggang dulo?

2.  Nadiscuss ba sa mga estudyante at mga kasama nila ang mga "safety measures" sa kanilang ginawang trekking?  Nakasama na rin ako sa mga ganitong trekking at sa simula pa lang o sa tinatawag na boot camp ay sinasabi ang mga safety precautions sa mga scenario na maaaring mangyari.

3.  May guro nga bang kasama o wala?  Kung walang gurong kasama sa nangyaring field trip ay isa itong malaking tanong sapagla't sa aking palagay ay mandatory na may guro sa mga ganitong sitwasyon.

4.  May waiver ba na pinirmahan at kasama ba sa lumagda ang mga magulang?

5.  Nagkaroon ba ng prior inspection sa lugar na pagsasagawan ng field trip ang mga guro?

6.  Naverify ba ng unibersidad ang aktibidad na ito?

Ito ang mga katanungang namumutawi sa aking isip.  Kalunos-lunos ang mga pangyayari pero sa kabuuan ay naninindigan ako na kung may kamalian man dito ay hindi ang buong Bulacan State University ang may pananagutan kundi ang mga direktang involve sa aktibidad na ito.

Wala tayong karapatang humusga kaninuman at hayaan na lang natin na magkaroon ng legal at tamang imbestigasyon at managot ang dapat managot ayon sa batas.

Ipagdasal natin ang mga namatay at gayun na rin ating patuloy na pagtibayin at bigyan ng lakas ng loob ang kanilang mga naulilang pamilya at kaibigan.  Pasensya na rin po kung hindi ko magawang maglagay ng larawan ng mga biktima kasi di ko rin makayanan na isipin ang mga nangyari sa mga estudyanteng ito.

Sa anumang komentaryo THINK BEFORE YOU CLICK and BE RESPONSIBLE.  Salamat po!

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: