Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Tuesday, August 26, 2014

Milyong FIlipino ang naholdap sa MRT!



Araw-araw ay milyong-milyong Filipino ang nahoholdap sa MRT!  Opo tama kayo lahat tayo ay nahoholdap at maliwanag pa sa sikat ng araw kung sino ang mga salarin.  P57 milyon kada buwan ang nalilimas ng mga salarin sa kaban ng ating bayan na mula naman sa kinikita ng mga mangagagawang Filipino.

Sa nagdaang isang buwan ay di lamang 2 ang aksidente o aberyang nangyari sa MRT.  Nung Sabado lang ay huminto ang serbisyo ng MRT dahil nagkaroon ng problema ang "Communications System" nito.  Ito rin ang isa sa mga kasamang problema sa mga nagdaang aberya ng MRT.


Sinabi nga sa isang artikulo na, "MRT 3 is a disaster waiting to happen."  Bakit daw?  Delikado ang MRT 3 na magkaroon ng "collission", "derailment", at "ignition."  Sa araw-araw na operastyon nito ay milyong tao ang nalalagay sa panganib.




Napag alaman din na walang maintenance na nagaganap sa mga kritikal na aspeto nito kabilang na ang power supply, trains, signal system, at ang mismong riles ng tren.  Gumagastos ang ating pamahalaan ng hanggang P6 Bilyong subsidy sa MRT 3 kada taon.

San nga ba napupunta ang maintenance fee na ibinabayad?  Mananagot pa ba ang kumpanyang ito na nagnanakaw ng ating kabang bayan?

Ito ang katanungan nating lahat at sa paglipas ng panahon ay maaaring isa na namang katanungang walang sagot.  Abangan...

Ito po ang ating napag-alaman kaya pala may problema tayo...


Ikaw ba ano sa palagay mo ang dapat nating gawin sa mga bagay na kagaya nito? Ako isa lang masasabi ko...


Update:  Mula ng isulat ang artikulong ito ay halos 5 pang aberya ang nangyari sa MRT at ang pinakahuli dito ay ang hindi pagsara ng pintuan ng isang tren habang umaandar.  Panuorin ang VIDEO.

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: