Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Saturday, August 23, 2014

Ramon Bautista, Hipon mukhang hindi ayos dito!


Tama ba na magbiro si Ramon Bautista na "maraming Hipon sa Davao City?"  Ibig sabihin ng birong ito ay maraming babae sa Davao City na magaganda ang katawan pero pangit naman ang itsura.  Maganda bang biro o mukhang napasobra ba sya?

Sa aking opinyon ay tila sa pagkakataong ito nadala ng kanyang pagiging komedyante si idol Ramon Bautista.  Mukhang napasobra ang kanyang biro at naging insulto na ito sa kababaihan.  May mga tamang panahon at lugar sa mga birong gaya nito.


Sabi nga sa akin ng mga kasama ko sa opisina usually ay sa mga close na kaibigan o maliliit na friendly gatherings lang ito ginagawa at kung gagawin mo ito sa isang event na kasinglaki ng event sa Davao City ay tiyak na malaking pagkakamali ito.

Pero, tama ba na ideklara na "persona non grata" at iban si Ramon Bautista sa Davao?  Sa tingin ko ay tila sobrang harsh naman ng desisyon na ito.  Nagsorry na si Mr. Pogi Problems at sincere naman siya rito.  Sana ay maunawaan nila na nagkakamali rin ang bawat tao at pwede naman siyang bigyan ng bagong pagkakataon.

Kung ating tititingnang mabuti sinasabing ang ginawa ni Ramon Bautista ay pag-abusi sa karapatan ng mga kababaihan sa Davao City o human rights.  "Human rights" ba kamo?  Ah okay...
Sabi sa resolusyon...
"There is a need to let the world know and those that employ Mr. Bautista that he is an extremely corrupt influence to the youth and his abusive behavior should not be tolerated," 
Kung susundan natin ito hindi ba napakarami na siguro ang naging persona non grata sa Pilipinas at kabilang na diyan ang napakaraming pulitiko.  Lawakan ang pag-iisip at ituon ang bala at kapangyarihan sa tamang bagay.

Gayunpaman, opinyon iyan ng City Council of Davao City and they are entitled to that.

Also Visit My Other Blogs
| The News Around Us | Ordinary People, Ordinary Day |

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: