Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Friday, January 30, 2015

All Out War sa Mindanao dahil sa SAF Mamasapano Massacre?


Credit to www.filipinostarnews.net
Panahon na nga ba para magdeklara ng all-out war ang pamahalaan dahil sa massacre na nangyari sa Mamasapano, Maguindanao?  Wala nga bang pagkakataon pa na magkaroon ng kapayapaan sa isang lugar na halos napakatagal nang magulo?  Terorista nga ba at extremist talaga ang mga Muslim?

Nakakalungkot isipin na dahil sa mga pangyayari kamakailan na kung saan 44 SAF members ang sinasabing namassacre ay nabibinbin sa alanganin ang Bangsamoro Basic Law (BBL).  Ang BBL ay isa sa mga hakbang upang maisakatuparaan ang Bangsamoro Framework Agreement na nilagdaan sa pagitan ng MILF at ng pamahalaan.

All-out War na nga ba talaga ang solusyon?

Ang sagot ko dyan ay "OPO"  all-out war ang solusyon!  All-out war laban sa mga tunay na terorista na walang pakialam sa tunay na mensahe ng Islam.  Mga teroristang gaya ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) at ng Abu Sayaff.  Panahon na para gumawa ng hakbang ang pamahalaan at MILF pare ineutralize ang mga grupong ito para sa kapakanan ng mamamayan ng Mindanao at ng buong Pilipinas.

Ang pagkakapatay sa 44 na SAF ay sanhi ng pulitika at miscommunication.  Ang pagsekreto ni PNoy at ng pamunuan ng SAF ng operasyon mula sa AFP, DILG at MILF ay isang malaking pagkakamali.  Ito ang dahilan at ugat kung bakit namatay ang ating mga magigiting na kapulisan.  Dahil dito ay dapat panagutin ang mga maysala at parusahan upang mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ng 44 na SAF members.

Hindi dapat sisihin ang MILF o ang Bangsamoro Basic Law.  Hindi rin dapat na magdusa ang hangaring pangkapayapaan ng Mindanao dahil lamang sa kapabayaan ng iilan sa ating pamahalaan.  May balita pa nga na tila ang naka-leave at suspended na PNP Chief Purisima ang nag command ng operasyon.  Aba!  Paano naman magiging posible yun at bakit hinayaan yun eh di ba suspendido nga?

Ang mga tanong na dapat sagutin

Bakit nagawang itago ni Pangulong Aquino sa DILG at kay Secretary Mar Roxas ang operasyong ito samantalang siya ang kumakatawang boss ng ahensya na sumasakop sa SAF?  Bakit hindi ipinagbigay alam sa MILF gayong sakop ito ng agreement ng dalawang panig?  Bakit hindi nacoordinate sa militar gayong dapat katuwang sila dito?

Ano nga ba ang pulitika sa loob ng mga pangyayaring ito?  Ito ang dapat halungkatin at bigyan ng pokus at hindi ang pagsasabing ibasura na ang BBL at ang usaping pangkapayapaan.

Ano ang ating dapat gawin?

Sana pag-isipan nating mabuti ang ating bawat sasabihin sapagkat ang mga nangyayari sa Mindanao ay nag-ugat sa isang napakalalim na problema.  Isang problema na ibinaon at itinago sa mga kasaysayan na ating pinag-aaralan.  Mga pangyayaring nagbigay ng malalim na sugat sa ating mga kapatid na Muslim.


Iisa ang tanging solusyon sa lahat ng ito - KAPAYAPAAN na may kasamang PANG-UNAWA at BUKAS NA ISIPAN.

Salamat sa pagbabasa.  Kung mayroon kayong kumento o kuro-kuro wag mahihiyang magkomento.  Kung naibigan ninyo ang artikulo na ito mangyaring paki share sa iba pa upang ating mapaunawa sa lahat ang ugat ng problema.

Gusto mo bang malaman kung bakit natin dapat suportahan ang Bangsamoro Basic Law?  Basahin ang artikulong ito.

Muli salamat!



Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: