Subscribe For Free Updates!

We'll not spam mate! We promise.


Sunday, February 22, 2015

Noynoy Resign? Wag na Uy!


Hindi ako fan ni Pangulong Noynoy Aquino.  Hindi ko rin siya binoto noong 2010 elections.  Gusto ko ba na magresign si Pangulong Aquino dahil sa nangyari sa SAF44 sa Mamasapano, Maguindanao?

Sa isang matinong sistema ng pamahalaan na kung saan ang mga nakaupo at matino at maasahan ng taong bayan ang sagot ko dyan ay OO DAPAT SIYANG MAGRESIGN.  Pero ang tanong ko, kung magreresign ba ang Pangulong Noynoy Aquino, sino ba ang papalit sa kanya?

Hindi ba ang papalit sa kanya ay si Vice President Jojomar Binay?  Hindi ba ang dami niyang graft and corruption cases na hindi nya hinaharap at lagi nya iniiwasang sagutin?  Totoo ba ang mga ito o hindi?  

Ito lang ang masasabi ko, may professor ako noong college na nakatrabaho si Binay at ang tanging nasabi nya, "Mula noong umupo yan na OIC ng Makati noong panahon ni Cory ang dami na nyang nakurakot,"  O di ba 1986 pa!  Aba matindi!


Okay na ako kay PNoy na nagkakamali kaysa kay Binay na CORRUPT. Lahat naman ng tao nagkakamali pero hindi lahat ng tao corrupt.

Sino ipapalit nyo? Si Binay? WAG NA UY!


Visit My Blogs:
Products Blog The Life Trends Online Magazine Otaku Cosplay PH  BizH2o

Follow me on:
Facebook Twitter: @shenbrood Instagram: shenbrood Tumblr Google+

Pagod Ka Na Bang Maging si Juan?
SOCIALIZE IT →
FOLLOW US →
SHARE IT →

0 comments: